39

1.5K 105 171
                                    

Hindi ko alam kung ano dapat ang disclaimer nitong chapter. Hindi ko rin alam bakit ganito but, I'm sorry in advance lalo na kung d ko nakuha kung paano ko dapat isulat 🙄 but, here's something. Sorry sa errors pero sanay naman na kayo. Haha

----

Dumaan ang maghapon ng hindi ko nakita kung nasaan sila Yelo at Mataias kaya inisip ko na lang na baka nagbonding na naman ang mag ama. Hindi ko naman hinahadlangan iyon. Even now, nakatatak pa rin sa utak ang kagustuhang mapaganda ang relasyon nila.

Tatlong araw na din mula noong makita ko ang larawan ni Mattee sa wallet ni Alexander and again, hindi ko nagawang tanungin ito tungkol sa bagay na iyon. And I don't exactly know what to say anyway.

Para saan? Bakit?

Mattee's photo being on his wallet is not my business. Naniniwala ako na karapatan niya iyon since Mattee is a part of his life at siya pang ina ng kanyang anak. It's just that, the thought hurts me. Normal lang naman siguro iyon, hindi ba? Normal lang naman siguro na makaramdam ako ng lungkot dahil doon.

I have no plans on competing with Mattee's memories. Ni wala na akong planong kwestyunin kung mahal pa ito ni Yelo. I know he will love her forever. Alam kong magkaiba ang pagmamahal na mayroon si Yelo para sa amin. Sampal sa mukha ko ang makumpirma na mas matimbang ang pagmamahal ni Yelo sa kanya pero, pinasok ko naman kasi ito ng alam lahat ang bagay na iyon.

Alam ko sa sarili kong hindi niya pa rin kasalanan so I'm keeping quiet about what I feel. Kahit anong isip ko, alam ko sa sarili kong wala siyang ginagawang mali.

Everyday he would shower me with kisses, make me feel important and show me how he feels about me. Ako ang may ibang nararamdaman. Ako ang hindi sigurado kung bakit ganito ang nararamdaman ko so I can't confront him.

Natawa ako ng makarinig ng sunod sunod na palakpak habang pababa ako ng hagdan. Mabagal pa iyon na tila ba sinasadya pa for a more dramatic effect.

Bored na naman siya kaya naririto. Or baka may tinatakasan.

“Babaeng madalas may chikinini, bakit parang tahimik yata tayo ngayon? Tamlay mo pa? Huwag mong sabihing naglilihi ka na niyan? Hindi pa ready wallet ko ha, mali na yata ako ng napupuntahan. Day care center na yata to eh,” puna sa'kin ni Ahyessa ng abutan ko ito at si Eunecia sa sala. Tinitirintas ng huli ang pamangkin habang nakaupo silang pareho sa carpeted floor.

“Bibig mo, hoy, may bata!” sita ko kunwari rito na ikinatawa lang ni Ahyessa. Nakasuot naman kasi ng earphones si Zari at may pinapanuod sa cellphone ng tiyahin nito.

Binalingan ko muna si Eunecia bago napailing. “Parang plano mong kalbuhin si Zari ah. Hindi ka naman marunong magtirintas bakit ka nagmamagaling dyan?”

Umakto itong tila nasaktan sa aking tinuran at walang pakundangang binitiwan ang buhok ng bata.

“Girl! Antipatika kang kaibigan! Wala kang moral support! Kita mong nag te-training ang tao para sa future!”

Umupo muna ako sa bakanteng couch bago ito sinagot, “Baka may manliligaw ka?” pang iinis ko rito na lalo nitong ikinabusangot.

“Baho mo ng tropa, alam mo ba? Magbreak sana kayo ni Papa Alexander!”

Napailing na lamang ako at nagyuko ng tingin. Hawak ko pa rin ang aking telepono. I was waiting for Alexander's message. Normally, he would check on me kung kumain na ba ako or if I want something.

Realizing that he hasn't sent even a single text made me feel sad again. I was too deep in my own thoughts that I was startled when I felt something soft hitting my face.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon