11

1.5K 96 43
                                    

“Stop crying, Taias. It's okay. Tita Aki is here,” Sinubukan kong pakalmahin ang bata. Kanina pa ito walang tigil sa pag iyak at talaga namang hirap na sa paghinga.

Dalawang oras na mula ng sumiklab ang ama nito at hindi ko alam kung saan nagtungo. Taias here just cried after. Wala itong tigil sa pag iyak at magang maga na ang mga mata. He was just sitting on the couch kung saan kami parehong naiwan kanina.

Parang pinipiga ang aking puso sa sobrang sakit. Seeing the kid in pain like this kills me.

Why? Just why does he have to suffer like this? Bakit itong bata ang nagdurusa at nadadamay sa sakit na nararamdaman ng magulang niya?

It wasn't his fault Mattee didn't make it. Hindi kasalanan ni Taias na sumuko ang nanay niya. And Alexander should know that. The child missing his mom lalo na kung may sakit ito is very udnerstandable. Bakit kailangan niyang sumabog ng ganoon?

I know losing someone you love is painful but he didn't lose everyone in his life. May anak pa siya na pwedeng sunod na mawala kapag hindi siya nag ingat.

To be honest, gusto kong magalit sa kanilang dalawa, kay Mattee at Alex. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kanila noon but having Taias, having a child is a responsibility. Mattee gave up. Hindi ko alam kung ano ang pain na mayroon siya pero ang sakit isipin na sumuko siya ng hindi niya naiisip na may maiiwan siyang batang wala pang muwang at kakailanganin ng gabay at pagmamahal ng magulang.

Naiinis din ako kay Alexander because looking at him now, pakiramdam ko ay sarili niya lamang ang iniisip niya. Gusto kong intindihin pero ang hirap lalo na kung nakikita ko na si Mataias ang nagdurusa.

“Hush baby, it's okay. Everything will be okay...” bulong ko sa kanya. Ang aking mga kamay ay nakapalibot na rito.

I felt him cam down a bit. Nang magbaba ako ng tingin ay napansin ko kaagad na nakatingala rin ito sa aking gawi.

He was biting his lower lip and his huge expressive eyes just tore my heart into pieces. Buong buo ang mga luha sa kanyang mga mata kaya naman mas lalong nadudurog ang aking puso.

“T-Tita?” a small hiccup came out of his lips at napanguso na lamang ako. I brushed his hair sideways. Pawis na pawis na ang kanyang mukha dahil sa sobrang pag iyak.

"Dad, will he be okay po?"

My lips parted at his words. Hindi ko naiwasang mapalunok.

Is this the reason why he was crying? He was still thinking about his father's sake?

“Baby...” naiiyak ko ng turan. I pulled him for a hug at gusto ko na ding maiyak.

This, this fucking situation is slowly killing the child. Napupwersa na siyang magmature which is hindi naman dapat. He should be enjoying his time as a kid.

Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ito sa aking bisig. Binuhat ko ito at inihiga sa kanilang kama sa silid nilang mag ama. Pinunasan ko na lamang ang katawan ng bata lalo pa nga at mukhang may sinat na ito.

Mas lalo lamang umahon ang galit na mayroon ako para sa kanyang ama.

How dare him? Bakit siya ganito sa sarili niyang anak?

Nang matapos ay iniwan ko na rin ito para asikasuhin ang sarili. Nabasa ng luha ng bata ang aking damit and I feel sweaty.

Nagpasya akong maligo at magmuni muni. This thing I am doing, bigla ay pumasok sa isipan ko. My presence here, tama bang naririto talaga ako

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon