24

1.7K 119 92
                                    

“Dad, can I get a bigger one?” narinig kong tanong ni Mataias sa kanyang ama. Tumango lamang ang huli at mabilis na lumawak ang ngiti ng kanyang anak. Kaagad dumampot ang bata ng mas malaking canvas na gagamitin nito sa pag pe-paint kasama ng kanyang ama.

Hindi sila natuloy noong nakaraan dahil naisipan ng magpipinsang mag barbeque party. Hindi tuloy kami nakalabas para mamili ng mga gagamitin.

May mga painting materials naman si Cloud dahil may sarili itong work room pero gusto ni Yelo na bilhan ng sariling gamit ang anak. Hindi na lamang ako kumibo sa bagay na iyon dahil wala naman akong masyadong alam sa pagpinta.

Ang sabi niya lang naman ay kailangan naming lumabas dahil marami daw kaming bibilhin.

Well, that's what he said.

He was pushing a large cart. Naroroon kami sa isang malaking tindahan na puro art materials lamang ang alam. More than half of what's in there, wala akong idea kung para saan. It kinda surprise me though na mukhang pamilyar si Taias sa ilan sa mga ito.

Hindi ko naman alam kung nakikita nitong nagpipinta ang kanyang ama. Maybe that was it. He pays attention to his father a lot so hindi na ako magugulat kung ganoon nga.

Nagulat ako ng bigla akong kabigin ni Alexander papalapit sa kanya. His hand automatically landed on my waist like it was the most normal thing to do. And at that I noticed a few pair of orbits staring in our direction.

“Stay close, kung saan saan ka nakatingin. Baka mawala ka,” bulong niya. Naramdaman ko pa ang pagdiin ng kanyang hawak sa aking baywang. My heart skipped a beat at his gesture.

“Ang tanda ko na para mawala ha,”

Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Really? Sa liit mong 'yan, baka mapagkamalan kang high school student e,”

Napaismid ako. “Stop teasing me. Si Taias na lang ang tignan mo. He's not on the cart this time,” sermon ko sa kanya.

“Hey, look at him, ang gwapo! Sayang may pamilya na yata. But he's still hot!”

“OMG, wait! Shit! That's Ice, right? Yung taga UDCA before? We use to see him visiting Borromeo!”

“Shoot, siya nga! Ngayon ko lang siya ulit nakita!”

Tuloy tuloy lamang kaming naglalakad ni Yelo. His eyes were fixed on Mataias who's stopping every now and then to check on things. Hindi ko alam kung naririnig ba ni Yelo 'yung dalawang babaeng nag uusap but I was positive they were talking about him.

And they said Borromeo, I know that's Mattee's last name.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi, hindi na rin nagsalita. Lately ay kung ano ano na lamang ang pumapasok sa utak ko.

Before I came here, I was sure about what I wanted to do. Gusto ko lang namang makatulog ng maayos. Gusto ko lang mapanatag ang kalooban ko. All I wanted was peace. But after that talk with the girls, I kept on trying to assess myself.

Ano ba? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Coz honestly, I am starting to acknowledge that what I am feeling right now isn't normal!

Hindi normal na parang may mga kabayong nagkakarera sa loob ko, iyong parang may mga paruparung humahalukay sa sikmura ko. Hindi ako dating ganoon and never akong nakaramdam ng ganoon sa kahit na sinong tao. I wouldn'to easily get nervous just because someone was staring at me. Ngayon lang ako nagkaganito and I know it's because of him.

It's all because of this Puntavega.

Nang matapos silang mag ama ay dumiretso na kami sa counter. Mataias was now standing beside me. I was holding his hand. Dati kasi ay nakasakay ito palagi sa malaking cart but since puno na iyon ay sumasabay itong maglakad sa'min.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon