35

1.4K 87 39
                                    

Ilang oras rin naman ang lumipas at nagtungo na rin ako sa silid.

Eunecia and Zari talked. Hinayaan na namin ang magtiyahin. Hindi ko masyadong naintindihan ang dahilan ng kanilang di pagkakaunawaan but the important thing is that they are okay now.

Si Gold ay mainit pa ang ulo kanina dahil nasipa siya sa mukha ni Baby Khal habang nakiki-tsismis siya sa magtiya.


Bobbie asked about Yelo too like what Gold said ngunit hindi ko rin alam kung nasaan ang huli. Baka pumunta sa opisina. Ganoon lang naman si Yelo e. The only reason why he would be busy is if nagta-trabaho siya. Normally, he tells me where he'd go but there are times na talagang lulong ito sa ginagawa kaya hindi na rin ako nagulat.

I was planning to discuss with him about my parents. Baka umuwi kasi ako sa'min since Mom wants to see me and I want Alexander to meet my Mom. I know she probably knew about the Puntavegas because of Faye but still, mas gusto kong makilala nila Mom and Dad si Alexander, especially since he is an important person for me.

Nakaligo na ako at lahat ngunit hindi pa rin ito dumarating. I looked at the wall clock and realized that it's almost ten in the evening. Nakakapagtaka masyado na itong ginabi.

Naglakad ako patungo sa bedside table and grabbed my phone. Wala siyang tawag o ni isang message man lang.

Ayaw ko mang kabahan ay hindi ko naman iyon maiwasan. Ang tagal na namin rito ngunit ngayon lang inabot ng ganitong oras si Alexander sa labas.

With that in mind, I dialed his number. Nakailang ring na rin ngunit walang sumasagot so I sent him a message.

Tila ba may nakadagang mabigat na bagay sa aking dibdib. Ayaw ko namang maging clingy sa kanya ngunit ang hirap kapag clueless ka sa nangyayari rito.


“Where are you?” bulong ko sa aking sarili. Huminga ako ng malalim. I tried to calm my nerves. Baka busy lang talaga ito. He's just like that. He's so focused on what he's doing at hindi na napapansin ang oras.

It was already eleven when I decided to go out the room. Pababa pa lamang ako ng hagdan ay napansin ko na ang magpipinsan roon maliban kay Grey at Gold. Habang naglalakad pababa ay mas lalong kumunot ang aking noo ng mapansin na pinapatahan ni Cloud ang asawa.

Nag away ba ang mga ito?

Dahan dahan lamang ang aking naging paghakbang pababa. Masyado yatang tuliro ang mga ito kaya naman wala yatang nakakapansin sa aking presensya.

“It's not your fault, Bobbie. You never had a chance,”

“Pero Ulap, kuya's still not home. Nawala lang naman sa isip ko yung tungkol sa diary ni Mattee. And to be honest, hindi ko rin sigurado noon kung dapat ba niya iyong makita,”

Napahinto ako sa paghakbang ng marinig ang tinuran ni Barbara.

“Well, he already has it. Wala na tayong magagawa. Hindi naman natin pwedenh sisihin si Mateesha dahil pinaglaruan niya yung diary,"

“Walang dapat sisihin. Ang dami na nating iniisip noon para may makaalala pa niyan,”

“Hala kuya alam mo 'yong tungkol sa diary? Ako nga hindi ko alam,” baling ni Ulap sa kuya Aedree niya.

“Puro kasi kayo laro ni Gold kaya hindi niyo man lang alam na mahilig mag diary at journal si Matilda. Though nawala na rin naman sa isip ko 'yan. It's not like we need to read her diaries anyway,”

Tama nga naman. Matilda's diary is her private space. Kahit wala na ito ay hindi pa rin dahilan iyon para panghimasukan ng iba ang mga alaalang para lamang sa kanya.

"According to kuya's secretary ay nasa opisina pa siya so I don't think we actually need to worry,” putol ni Julio sa kanila.

Hindi ko na naituloy ang paglalakad dahil sa mga narinig at tuluyan ng binalot ng pangamba ang aking puso.

So it was about Mattee... Si Mattee pa rin.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Ang loob ng aking tiyan ay nagsimulang magwala at para na akong masusuka.

Hearing those words made me feel scared. Kapag si Mattee na ang usapan, hindi na nakapagtataka na umakto ng kakaiba si Yelo. I can still remember kung paano siya maglasing noon. Is he drunk right now? Kaya ba hindi niya ako tinatawagan?

Naramdaman ko ang panginginig ng aking tuhod. Napakapit ako sa hamba ng hagdanan para suportahan ang aking sarili. I bit my lower lip to stop myself from crying. Maging ang aking lalamunan ay natutuyo na.


Bigla ay nawala ang kumpyansang mayroon ako sa aking sarili. The fact na parang hindi niya man lang ako naiisip ngayon ay mas lalong nagpahina sa'kin.

Sino lang ba kasi ako? I am just Arika. Sino ba ako sa buhay niya?

Si Mattee, she's his world, noon at ngayon. Hanggang ngayon, si Mattee pa rin. Si Mattee pa rin ang kayang magpawala sa sarili kay Yelo.

Ako? Ano ba ang lagay ko sa buhay niya? Mawawala rin ba siya sa sarili dahil sa'kin? Maglalasing rin ba siya dahil sakin?

Noon ay hindi ko ikinukumpara ang sarili ko kay Mattee. Although I know how much he loves her, tinanggap ko naman iyon. Tanggap ko. Pero putangina, ang sakit pa rin pala kapag sinasampal na mukha mo.

These realization started hitting me to the core. Kumibot kibot ang aking labi at tila anumang sandali ay maiiyak na.

He just saw her diary. It was just it pero nakalimutan na niya na nandito pa rin ako.

Ano ba'ng dapat kong asahan? I met him when he was so broken, when he was vulnerable. I knew he love her to death. I made myself available for him kase, masama bang umasa na maging mundo niya? Kahit hindi na mundo, kahit iyong hayaan niya na lang akong makasama siya.

Hindi ba pwede iyon?

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon