44

1.5K 84 65
                                    

"Ano ba naman, Arika. Sabi namin mag two-piece ka, 'di ba?"

Napailing na lamang ako ng marinig ang tinuran ni Ahyessa. She sounded so pissed off samantalang ako dapat ang mainis sa kanilang lahat.

"O kaya kaya alisin mo na lang ang shorts mo tutal ay one-piece naman yan," si Dorothy. Nandirito rin siya at inabutan ko sa hotel nang sapilitan akong isama ng mga babae. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Huwag mong intindihin 'tong suot ko, Dorothy. Ang intindihin mo ay 'yang baby bra mo, baka malaglag,"

Napahawak naman kaagad ito sa kanyang dibdib at tila ba hindi makapaniwala sa aking tinuran.

"Grabe naman, bakit dede ko lang 'te? Sana dinamay mo na rin 'yung kay Andrea at Bobbie,"

"Hoy, medyo nag improve na kaya 'to!" angal kaagad ni Bobbie. Si Andrea ay napanguso lamang.

"Asa kayo, mare," Nagtawanan kaming lahat sa naging sagot ni Dorothy.

Sa totoo lamang ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Sumugod sila basta basta sa apartment and stayed there the whole night. Kung hindi pa sila sinundo ni kuya Vince at Julio, who knows kung hanggang kailan ako guguluhin ng mga ito.

When they said na tumakas sila, they meant they left their partners with their kids sa hotel na pinagta-trabahuhan ko. Ito rin siguro ang gustong sabihin sakin ni Zarah. She probably saw my kuya there pero mas mabilis kumilos sa kanya ang mga babae.

When they saw Rikana, nagkagulo silang lahat. They thought she was my child. Muntik pa akong sinabunutan ni Ahyessa dahil akala nila ay inilihim ko sa kanila ang aking naging pagbubuntis. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil halos kamukha na naming ni Zarah ang bata sa tagal yata naming magkakasama. It took forever to calm them down.

Sabi nila, gusto daw sana nila akong puntahan noon kaya lamang ay sakto ding umuwi ang tatay nila Grey kaya hindi na nila nagawa. Hanggang sa kung ano-ano na ang nangyari. Anyway, hindi naman sila obligadong puntahan ako. Kung sakali, baka mas lalo siguro akong nahirapang maging okay dahil sa tuwing makikita ko sila, maaalala ko lang ang mga sandaling pinagsamahan namin ni Yelo.

Now, they forced me to stay with them dito ngayon sa hotel. They also found a way to file a week-long leave for me na pinagtataka ko kung paanong na-approve. Sa sobrang hectic ng trabaho namin, hindi kami basta basta napapayagang mag leave ng biglaan at mas lalo na kung aabutin pa ng isnag linggo. But then again, knowing who they are, hindi rin ako magtataka kung sakaling malaman ko na may shares ang kumpanya nila sa hotel na ito. Minsan kasi ay nawawala sa isip ko mayaman ang mga ito because they don't act one.

Apparently, their husbands have some conference and business deal to attend to. Sumabit lang sila noong malaman nilang dito iyon gaganapin, at para na ring naging vacation ng buong pamilya.

"Paano na ang mga plano natin kung babalutin mo ang sarili mo ng ganyan? Akina na nga yang cardigan mo!" Tinangkang lumapit ni Xantha ngunit umusod ako at iniwasan siya. She was carrying her child kaya hindi rin ito masyadong makaporma.

"Hindi ako mahilig mag two-piece. Also, ang awkward na naka two-piece ako rito habang pinapanuod ako ng mga empleyado ko no," Inismiran muna ako ni Xantha.

Nasa pool area kami na nasa pinaka gitna ng hotel. May ibang mga guests doon ngunit sa dami namin, mas pinili na yata nilang lumayo ng kaunti lalo pa nga at napakaraming bantay ang nakapalibot sa paligid. I don't understand what's the deal dahil noon naman, kahit mayaman sila ay wala silang masyadong bantay. Ngayon ay napakaraming mga matang nakamasid sa mga ito lalo na sa mga bata. I wonder if something happened.

"At this rate, matutuloy na talaga ang kasal ni kuya Yelo sa atribidang palengkera na 'yon. Dapat ngayon pa lang ay gumawa na tayo ng paraan!" napangiwi ako ng marinig ang paghihimutok ni Bobbie. She was never like this before pero parang gigil ito sa sinasabi nilang fiancé ni Yelo.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon