“What the-” muntik ko ng hindi napigilan ang aking sarili sa gagawin sanang pagmumura kung hindi nagtama ang tingin namin ng anak ni Yelo.
Halos mapasigaw ako sa sobrang gulat ng bumungad sakin ang mga bata matapos kong lumabas ng silid. Nagkakampo sila sa labas ng pintuan. Sigurado pa ako na nakita ko si Zari at Teesha na muntik na matumba dahil nakasandal ang mga ito sa pintuan. Akala mo mga espiya na nakikinig sa kung ano ang nangyayari sa likod niyon.
Mas lalo pa akong napailing ng mapansin si Gold na nakadapa na tila natutulog pa habang si baby Khal at Baby Goku ay nakasampa sa kanyang likuran at ginagawa siyang sasakyan.
Napaupo ako at kaagad na binuhat si Baby Goku na na sinasabunutan ang kanyang tito. Si Khal ay natitig lang sa akin. Taias was just there, standing while staring at me.
“What are you guys doing here?” taka kong tanong. I'm pretty sure it's just eight in the morning. Nasa second floor kami ng bahay kaya mabilis kong naigala ang tingin sa paligid. Nakahinga ako ng maayos ng mapansin ang baby gate na nakaharang bago makarating sa hagdanan. That's also when I noticed a nanny standing on the far corner of the hallway. Ngumiti ako ng bahagya itong tumango.
“Kuya wants to see if Tito Dad is still here pa. Baka daw po umalis,” sagot ni Teesha.
“We want to be with Taias kaya dito din kami,” sagot din ni Zari. Taias just avoided my gaze. Napangiti ako.
“Hindi ka iiwan ng Dad mo. He's just sleeping. Wake him up if you like,”
Dahan dahang tumingin sa aking direksyon si Taias.
“Why are you two sharing a room?” bigla nitong tanong.
“Tita Arika, tabi po kayo ni Tito Dad natulog?” dagdag naman ni Teesha. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot bigla sa mga bata.
Si Zari, ang lawak ng ingini-ngiti. Akala mo may alam siyang hindi ko alam. Kinakabahan na ako sa batang ito e. Manang mana sa tiyahin niya.
Bago pa ako nakasagot ay narinig ko na ang naging pag ungol ni Gold dahil sinabunutan ito ng kanyang anak.
“Milk!” sigaw nito at mas lalong hinatak ang buhok ng kanyang ama. Napaupo tuloy si Gold na magulo pa ang buhok. Pulang pula pa ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong oras na sila natapos kagabi uminom. Halatang kulang pa ito sa tulog.
“Makakalbo mo na 'ko, baby Khal. Let go,"
Inalis nito ang kamay anak bago tumingala sa akin. Kumunot muna ang noo nito at tila may tinitignan.
“What's on your neck?” bigla nitong tanong. “Nakagat ka ng mosquito, ate? Or kinagat ka ni kuya? Mahilig si kuya mangagat e,”
My stomach started churning at what he said. Parang normal lang sa kanyang sabihin ang bagay na iyon. Ang inosente pa ng pagkakasabi niya. Hindi ko man nakikita ay alam kong namumula na kaagad ang aking pisngi.
Napahawak ako sa aking leeg at naramdaman ang pantal doon. Ngumiti ako ng alanganin kay Gold at hindi na nagsalita dahil tumayo na ito buhat buhat ang anak. Nagsisunuran naman ang mga bata. Maging si Taias ay naglakad na din. Mukhang napanatag ito nang malaman na nasa kwarto ang kanyang ama at hindi siya nito iniwan.
The kid must be really scared.
Ang aga aga pero pakiramdam ko ay hindi ako aabot ng gabi. Mamamatay yata ako kaagad dahil sa mga nangyayari. Sa mga bata pa lamang ay aatakihin na ako sa puso!
Napalingon ako sa pintuan kung saan ako lumabas.
That was the most stressful, and longest night I ever had. Mas lalo akong hindi nakatulog.
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"