15

1.3K 96 52
                                    

“Tita Arika,  when I grow up,  I will be Alessandro's wife.  I told my tita about it na po,” bulong nito.

Napahagikgik ako ng marinig ang sinabi ni Zari. She's just six years old and she looks so adorable.  Nakaipit ang kalahati ng kanyang buhok and she's wearing a cute pink dress na may ribbon pa sa harapan.

Malamang ay hininaan nito ang boses sa takot na mapingot ng kanyang tiyahin.  Noong nakaraan kasi ay napagalitan ito ng kanyang tita ng bigla nitong sabihin kay Taias na crush niya ito.

Gusto ko sana siyang pagsabihan kaya lamang  ay wala siya sa posisyon. Isa pa ay alam ko namang ginagawa ng kanyang tita ang lahat para maturuan ng maayos si Zari.

Nakaupo kaming dalawa ilang dipa ang layo sa kinaroroonan ni Mataias at ng tita Eunecia ni Zari.  She's his teacher and she's as jolly as Zari. Hindi ko alam kung nasaan ang mga magulang ng bata but it seems that she's living with her aunt.

It wasn't even a week since Alessandro's classes started. Homeschooled ang anak ni Yelo and sometimes,  Zari comes with her tita Eunecia because she likes seeing Taias daw. 

Pinisil ko ang kanyang pisngi and she smiled even wider.  She really look so adorable. Kahit sino ay mapapangiti kapag kaharap ang batang ito. Ang pretty niya pa. 

Too bad,  Taias acts exactly like his dad.  Madalas ay hindi nito pinapansin si Zari.  Though hinahayaan naman ito ni Taias na tumabi sa kanya kapag tapos na ang klase nila ng tita nito.  Mainam din iyon para hindi mapanis ang laway ni Taias dahil sa sobra nitong pagiging tahimik.  Having Zari around,  it feels like Taias is experiencing how to be a real child. Napansin ko rin na mas lumilitaw ang kung ano anong reaksyon kay Taias simula ng dumating si Zari. 

“Tita, where's his Dad po?”

Napalingon ako rito bago napataas ang kilay.  Ano na naman kaya ang plano ng batang ito?  Noong isang araw ay nagpakilala ito kay Yelo bilang future daughter-in-law daw ng huli.  Kung saan at kanino niya iyon natutunan ay hindi ko alam. 

Hindi ko talaga napigilan ang tawa ko lalo na ng kumunot lamang ang noo ni Yelo. Kinabahan pa ako dahil baka sungitan niya rin ang bata pero nilampasan niya lamang ito matapos nitong guluhin ang buhok ni Zari. 

At least namimili pa rin pala si Yelo ng sinosopla. 

Ni hindi ko na rin kinailangang sagutin ang tanong ni Zari dahil bumukas ang pintuan ng study room at lumabas doon ang maputing halimaw. 

Maging si Taias ay napahinto sa pakikinig sa kanyang guro at napatingin sa direksyon ng kanyang ama.  Yelo just waved his hand signaling that Taias focus back to what his teacher was telling him at sinunod naman kaagad ito ng bata.

Napaismid ako.  Ginagawa niyang robot si Taias.

“Dad!” napahagikgik ako ng marinig ang naging pagtawag ni Zari rito.  Napahinto si Yelo sa paglalakad patungo sa kusina at hinintay si Zari na nagmamadaling tumakbo sa gawi nito.  And just like that,  the kid reaches for Yelo's hand at bigla itong nagmano. 

She's too pure and innocent.

“Goodmorning po!”

Natakpan ko ang aking labi lalo pa nga at napatingin pa sa direksyon ng kanyang anak si Yelo.  And indeed,  Taias was staring at Zari and his Dad at tila nakasimangot pa ito. 

“Zari,” tawag ng tita Eunecia niya sa kanyang pamangkin.

“Sorry about that, medyo makulit talaga ang batang iyan,” alanganing turan nito. Napatayo pa siya sa kanyang kinauupuan at akmang pupuntahan si Zari ngunit pinigilan ko ito. 

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon