Dapat tulog na ko pero yung nga dephngal mong tropa ang sarap saktan. Hindi ko na nabasa to ng maayos. Wag magreklamo, leche.
-----------
Napalunok ako. Mabilis akong nakadampot ng tissue sa bag para tuyuin ang namamawis ko ng palad.
Yelo's family is big. And right now, hindi ko alam kung aabot pa ba ako bukas lalo na kung ganitong wala pa sa kalahati ng angkan niya ang nasa harapan ko.
Nakaupo kami sa sala, they said everyone is here except Chase, Milan and Dakota. Hindi ko pa sigurado kung sino ba at ano niya ang mga iyon. Marami pa silang sinabi, like my kuya not being here, Xandria, maging yung si Ahyessa daw ay nasa trabaho pa.
When Yelo said he wants to go home, sobrang natuwa ako. It literally means Taias will be with his family. Mas magiging madali iyon para sa bata. What I didn't know though is that, Yelo's home is...like this - chaotic.
Hindi ako nagkamali noong nakita ko sila dati sa isang cafe. Marami talagang mga bata. Hindi pa nga ako inaabot ng dalawang oras dito pero nalaman ko rin na may dalawa pang buntis. And one of those is Barbara.
She was the first one to hug me earlier ng makapasok kami sa loob ng bahay. So iyong lalaki kanina na sumigaw na nagtanan daw ang kuya Yelo niya is her husband. Seeing him makes me realize how Teesha gets almost everything from her father. Hindi man ako malapit kay Barbara at sa anak nito kahit noong sila pa ni kuya ay hindi rin naman pangit ang naging relasyon namin. We barely talk but we're okay.
And when I thought this was a subdivision, oo nga yata. Isa yata itong subdivision sa sobrang laki pero buong angkan lang nila ang nakatira.
This house, apparently, is their ancestral home na pag aari daw ng bunso nila Yelo na si Gold. Nakilala ko rin ito kanina. Siya iyong sumisigaw na nagtatakbo pa pababa. He was so happy to see his brother na nilundag pa si Yelo ng yakap. Gusto ko sanang lumayo at iwan ang mga ito para sana bigyan sila ng space but Alexander just won't let go of my hand.
Ayaw niyang bitiwan ang kamay na para bang natatakot siya na bigla ko siyang layasan.
Kahit pa noong binuksan ni Gold ang pintuan ng sasakyan at binuhat ang mga bata ay hindi ako binitiwan ni Yelo Kitang kita ko kung paano ako tinignan ng nakakaloko ni Eunecia na siyang kumuha sa kulungan ni baby V. She was staring at Yelo and I's intertwined hands, even wiggling her eyebrows after our eyes met. Talagang natutuwa ito sa pang aasar sa akin.
Ano ba ang akala ni Yelo, tatakbuhan ko siya? Kaya lang naman siya ganito dahil nagpapatulong siya sakin na mapalapit sa anak niya, which, if I'm being honest, ay hindi ko rin sigurado kung may maitutulong ba ako.
So sitting beside him right now while his whole family is with us just wrecks my whole system. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Hindi naman ako duwag pero ang dami kasi nila.
Paano ba dapat ako kumilos?
“Asawa lang pala ang kailangan mong mahanap para maisipan mong umuwi, Alexander,”
Namula kaagad ang aking pisngi sa tinuran ng kapatid ni Yelo.
“Hi-” sasagot sana ako para pabulaanan ang kanyang tinuran nito but I felt Yelo nudging me a little. Parang ayaw nito na nakikipag usapa ako sa kung kanino.
Nakita ko pa ang pagtataas ng kilay ng lalaki ng mapansin ang inasal ni Yelo. I heard them call him kuya Ae.
I saw Barbara looking at me with that amused expression on her face. Nakaupo ito katabi ang kanyang asawa na nakapatong pa ang kamay sa kanyang tiyan. He's Cloud. I've learned their names earlier dahil isa isang nagpakilala ang iba dito.
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"