49

1.8K 111 34
                                    

"Bawal ka rito," nakasimangot kong sita kay Yelo ng sundan ako nito hanggang sa aking opisina. It's been a week and somehow, I was glad Dakota talk to me about it.

After that conversation, I went back to work kahit pa nga paulit ulit akong sinasabihan sa HR na hindi ko kailangang pumasok. Tama nga ang aking hinala. The girls pulled some strings para mabigyan ako ng bakasyon and right now, it was Alexander who's using his authority para masundan sundan ako kung saan man ako pumupunta.

"I have a special pass," he muttered. Alam ko na ang bagay na 'yon ngunit hindi ko pa rin mapigilan na sitahin ito. He's basically using his wealth and power para magawa ang mga gusto niya. 

Muli ay pilit nitong hinuhuli ang aking mga tingin na para bang alam nito na sa pamamagitan niyon ay muli na naman akong matutunaw kaya naman pilit kong nilalabanan ang nararamdaman.

Inismiran ko muna ito bago inirapan. "Must be nice to have so much power in your hands, na akala mo lahat ay kaya mong mapasunod sa gusto mo 'no?"

I saw him bite his lower lip as he titled his head a bit. Nag iwas muna ito ng tingin at tila pinipigilan ang kung anumang nararamdaman. But after a while, he just shrugged his shoulders and that made me even more annoyed. 

Hindi ko alam kung saan ako bigla nakakahugot ng lakas ng loob dahil sa araw araw ay nagagawa ko na siyang sungitan. But what I hated the most is the fact na hindi ito apektado sa pagtataray ko rito. He'd still follow me wherever I go.

At first, the employees would be so shocked to see him following me around. Halata naman kasing hindi ito empleyado kahit pa nga minsan ay naka semi-formal attire ito. Ngunit sa loob lamang ng isang lingo ay mukhang unti unti na ring nasasanay ang mga ito sa kanyang presensya. He even goes in and out of the hotel using the employee's access!

His family and the girls already went back home, maging si Taias ay iniwan ang kanyang ama rito bagay na labis kong ipinagtataka. Noon naman ay halos ayaw nitong nalalayo sa kanyang ama. I wonder what changed within the past two years.

Umupo ako at pumwesto na sa harapan ng aking lamesa at sinimulan ng tapusin ang aking trabaho. Sa nagdaang isang Linggo, wala akong pinagsisisihan ng sabihin kong hindi ako makikipagbalikan sa kanya.

"Why did you let me go then?" direstsahan kong tanong sa kanya noong mismong araw na natapos kaming mag usap ni Dakota. Hindi naman sa nagpadala ako sa mga sinabi nito but I realized that I also needed some answers at hindi ko makukuha iyon kung hihintayin ko siyang magsalita.

And maybe Dakota was right after all dahil unang tanong pa lamang ay hindi na nito masagot. Papaano pa ang napakarami ko pang tanong? Ano ba'ng mahirap sa tanong ko at hindi siya makausad sa pangalawa?

Dahil sa inis sa tuwing naiisip ko ang araw na iyon ay kaagad akong nag angat ng tingin at tulad ng aking inaasahan, nakatingin nga ito sa aking direksyon habang prenteng nakaupo sa may couch sa gitna ng silid habang ang tatlong supervisor ko na nakaduty rin ngayon ay naaagaw na niya na naman ang atensyon.

Even on his casual clothes, he just can't fail to attract attention. Nakakainis man ngunit wala naman akong magagawa tungkol sa bagay na iyon. Kahit pagsuotin ko yan ng basahan o itao ang kanyang mukha, even his good physique can make  wonders. Muling pumasok sa aking isipan ang buong gabi kung saan pinagsawa ko ang aking kamay sa kanyang katawan. 

Pinigilan ko ang mapaungol dahil sa kahayang naiisip.

I bit my lower lip as I try my best not to avoid his gaze. Kapag sumuko ako, ako lang ang talo. And I refuse to do that now. I don't want a repeat of what happened two years ago.

Sinamaan ko siya kaagad ng tingin at inirapan. Ngayon ay para siya biglang tuta na sunod ng sunod kung saan ako pumupunta. Kulang na lamang ay sumali siya sa mga meeting na kailangan kong attendan. Kapag umuuwi rin ako sa apartment, minsan ay nauuna pa siyang pumasok para lang masiguro na hindi ko siya mapagsasaraduhan ng pintuan.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon