Sumuko na kayo sa pag asang mag eedit ako dahil ako sumuko na. haha tawanan niyo na lang mga mali mare.
Comment kayo para sumaya din ako.
--
Yelo's POV
Part 2
Buong gabi rin ay paulit ulit na pumapasok sa aking isipan si Arika, her words, ang mga luha sa mga mata niya. Sa kung anong dahilan ay parang pinipiga ang aking puso sa katotohanang maging ito ay nasasaktan ko na.
And I realized something – I don't like seeing her crying. Kung bakit, hindi ko pa alam.
Maybe miracles really do happen dahil ang mga sumunod na araw, I ended up being back in our mansyon.
"Umamin ka, Yelo. May sakit ka?"
Itinulak ko ang mukha ni kuya palayo dahil kanina pa ako nito gustong halik halikan sa pisngi. My big brother can be a pain sometimes. Nakakalimutan nitong malaki na kami. Alam ko naman, he cares for me a lot lalo pa nga at kami lang dalawa noon ng wala pang kambal na dumarating.
"Kuya sasapakin kita," sita ko rito dahil pilit itong kumakapit sa aking braso.
I was sitting on the couch inside Gold's room. Dito nila ako napiling bulabugin. Napailing ako as I watch them all. Si Chase ay buhat buhat ang anak maging si Julio. Si Ulap ay nakaupo sa sahig, yakap ang aso niyang iniwan nito sa akin noon.
Pinigilan kong mapangiti habang pinapanuod si Gold na nakahiga sa sahig. Ang kanyang anak ay nakasampa sa kanyang tiyan. Ever since him and Grey became parents ay nagbago na ng bahagya ang tingin ko sa mga ito. Nakalimutan ko na hindi na bata ang kambal.
"Kuya nakakairita ka na. Bakita ka ba umiiyak? Tsaka bakit kayo nag file lahat ng leave?" Nilaro laro ko ang aking mga daliri. Napa-praning na yata ang mga kapatid at pinsan ko.
Nakita ko pang nagpunas si kuya ng luha. "Okay lang, mayaman tayo,"
Nagkatawanan na lamang kami.
"Pinsan lang pala ni Erish ang makapagpapauwi sa'yo rito. Dapat pala ay sinundo namin iyon sa Singapore noon pa,"
"Shut up!"
"Kuya ninong ka ng anak ko ha," si Ulap na malawak na ang inginingiti. Ang tagal na ng panahon ang lumipas, these kids had really grown up.
Ang mga siraulo, mga hindi nga nagsisipasok. Si kuya panay ang buntot sa'kin at pinagbawalan na yata ang lahat sa kusina dahil ako palagi ang gustong magluto.
"Napagod ka ba ngayong araw?" tanong ko kay Arika. Hindi na ako nagtaka ng mabilis nitong nakasundo ang mga babae lalo na si Ahyessa.
Every single day that passes, I found myself holding on to her. She's become my salvation. Unti unti ay hindi ko na magawang bumaling sa alak para lunurin ang aking sarili. I just wanted to see her smile. I just wanted her by myside.
So when I confirmed that she felt something for me, I knew it was game over. Minsan ay pumapasok pa rin sa isip ko si Mattee, kung tama ba lahat ng ito.
"Kuya..." si Chase. Nag iinuman kami sa itaas habang ang mga anak nila ay naroroon sa baba kasama ng mga ina nito.
Milan passed me the can of beer. Hindi na ako masyadong umiinom ngayon.
"Hindi ka na ba aalis?" tanong nito.
"Oo nga, kuya. Miss na ng panganay ko ang kuya niya. You knew they grew up together," SI Ulap na ang tinutukoy ay ang anak na si Teesha. Teesha and Taias grew up like they were twins. Alam ko rin na name-miss na ni Taias ang pinsan niya. Seeing him acting like the kuya to each of his cousins makes me smile at times.
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"