Yelo

2.1K 107 93
                                    

Not sure if I should be putting a warning but I'm doing it anyway just in case, especially since some scenes or thoughts may be triggering to some. Skip if you have to.

--  

Yelo's Memories

Part 1


"Dad, can we eat together?"

I heard what he said but I don't have the strength to answer. Patuloy akong nakatitig sa kawalan, hindi alam kung ano ang dapat na gawin.

Kuya just left. Just when I thought wrecking my life was already enough, bigla naman may darating.

"There's still food on the dining table," tipid kong turan rito bago inisang lagok ang lamang alak sa boteng hawak ko sa aking kamay.

Five years, tangina.

Five long years.

Napangisi ako ng nakakaloko. Naibaling ko ang aking tingin sa batang nasa harapan ko ngayon at hindi na mapigilan ang sariling suriin ang mukha nito.

Hindi ako bobo para pagdudahan na anak ko nga ang bata. Apart from his eyes na nakuha nito sa kanyang ina, I can see a younger version of me on him, para bang muling nabuhay ang mga lumang  larawan kong itinatago ni Grey.

"Tangina," bulong ko ulit. Gusto kong tumawa ng malakas dahil parang isang biro lamang ang lahat.

Natapos ang araw ng hindi ko ito pinapansin. Itinuro ko sa kanya ang kanyang magiging silid. Habang nasa katinuan pa ay nagawa kong magpadala ng mensahe sa kasambahay na palaging naririto.

Someone needs to cook for him. Wala akong lakas na gawin iyon para sa kanya.

Magdamag kong nilunod ang sarili ko sa alak. Dinampot ko ang aking pitaka at tinitigan ang kanyang mukha roon.

"Damn it! A child?" Bulong ko na tila ba maririnig niya. "Hindi ka bumalik tapos mag iiwan ka ng alaalang hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala. How can you be this cruel?" Halos kapusin ako ng hininga sa kakaiyak. Ang kakaunting katinuang natitira sa'kin ay malapit ng malusaw. I cried myself to sleep, hindi alintana ang mga basag na bote sa sahig.

Manhid na yata ang katawan ko sa mga sugat. That kind of pain was bearable pero iyong sakit sa puso ko, na nararamdaman ko, it was so lethal. Para na akong pinapatay.

Nang dalhin sa ibang bansa si Matilda ng kanyang mga magulang, pinanghawakan ko iyong pag asang babalik si Mattee kapag maayos na ito. But not having her here kills me.

Akala ko ay tama lang na hayaan ko siya, na palayain siya. She's happy with her. Sobrang mahal ko si Mattee para ikulong ko siya sa pagmamahal na ako lang ang mayroon, na ako lang ang sigurado.

Kaya sabi ko sa kanya noon, pinapalaya ko na siya, kahit nadudurog ako, kahit sobrang hirap dahil simula pagkabata, I never saw myself with someone else but her.

Noong naaksidente sila ni Milan, gusto kong mamatay. Gusto kong hilingin na ako na lang sana ang nandoon at hindi sila. Ayos lang na mawala ako. I can sacrifice myself for them. I can die for them. Wala na akong ibang maisip. I was spiraling.

Kaya ko, kaya kong mawala na lang kaysa sila iyong mawala. What purpose do I have here kung wala sila? Kung wala si Mattee?

Kaya kong tiisin na may kasama siyang iba pero hindi ko kaya iyong makita siyang nag aagaw buhay. Hindi ko kayang makita siyang halos wala ng buhay sa harapan ko.

I was so lost. The will to live, parang nawala na rin sa'kin. Sa bawat araw na walang Matilda na naghahanap sa'kin ay siya ring pangamba ko na baka may nangyari na nga rito. But tita will not do that to me. Kapag may nangyari kay Mattee, sasabihan niya naman ako, 'di ba?

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon