20

1.8K 114 169
                                    

Happy Birthday sa tropa ko, sa karamay ko sa pagiging gastadora. Nakilala ko tong babae na to dahil sa kaadikan ko sa Blacktan, even went to watch the BP concert with her and our dear friend Synn. Arika, mahal ka naming mga bibe, tandaan mo yan. Happy Birthday akiflix Dahil dyan, gagalawin ko ang baso. 

-----
“Oh my God, Aki. Dati ka bang maton? Bakit hindi ka nalalasing?”

Napangiwi ako sa tinuran ni Ahyessa. Humahagikgik na ito at mahahalata mong may tama na. Sinuklay ko muna ng aking kamay ang aking buhok bago ito sinagot.

“Medyo mataas lang ang tolerance ko sa alak, nasanay sa school. I had bar management before,” dahilan ko. Though hindi naman talaga kami lumalaklak ng alak dahil sa subject pero understandable naman na ganoon minsan sa college life. Isa pa, I am trying to control my alcohol intake.

Kinakabahan kasi ako! Papaano ako makakainom ng matiwasay kung pakiramdam ko ay bibitayin na ako mamaya?

Share daw kami ng room ni Yelo? I was like, dude, wala ba kayong guest room? Ang dami nilang bahay! Basta, imposible! Kaya lang ako hindi ako makakontra kanina because he looks so fucking serious!

Hindi ko pa natatanong sa mva babae kung pwede ba akong makitulog sa kung saang bakanteng guest room dito pero kabado rin kasi ako. Baka totohanin ni Yelo iyong banta niya na kalsada niya ako patutulugin!

“Nadadaya yata ako,” Ahyessa pouted and we just laughed at her. Ginugulo na naman niya ang kanyang buhok na kanina ay palaging inaayos ni Andrea.

Madaling pakisamahan ang mga babae at hndi nila kami pinapabayaan ni Eunecia. O baka takot lang din kasi sila kay Alexander? Napansin ko rin kasi na medyo kinakabahan sila kapag parang galit si Yelo.

Nang dumating si Ahyessa kanina sa mansyon ay ako kaagad ang una nitong hinanap. Kinabahan pa ako dahil katatapos lang naming kumain lahat ng dumating siya. She was wearing a chef's uniform at dito na nagpalit ng damit. I heard she's a pastry chef.

“Nasaan na si Belle? Ang kasingganda ko na sumagip sa mukhang gremlin nating tropa?”

Those were her exact words. Noon pa lamang ay naisip ko na makakasundo ko siya. I was even surprised when the only reaction she got from Yelo was him lifting his middle finger. Masama talaga ang ugali.

“Ahyessa huwag kang masyadong makalat. Baka marinig tayo ni Yelo!” sita sa kanya ni Xantha.

Pagkatapos kanina ng hapunan ay naghiwa hiwalay kaming mga babae at lalaki. They were also drinking. Ang mga bata ay tulog na. They have nannies to check on them. Si Zari ay doon mananatili sa bahay nila Barbara sa kabila. May guest room kasi doon. Isa pa ay magkasundo sila ni Teesha. Hindi ko alam kung paanong nangyari but I am guessing that it was because of Taias.

Si Taias naman ay doon sa kwarto ni Gold mananatili. Malaki kasi ang higaan ni Khal doon. Tutal naman daw ay ayaw itong pakawalan ni Khalixt. It seems that everybody loves Taias despite him not being too friendly with everyone.

“Nasaan na naman si Andeng?”

“Huwag mo ng hanapin. Alam mo namang parang tuko sila ni Keso. Huwag kang magugulat 'pag may bago na naman siyang announcement,”

Biglang umangat ang kilay ni Ahyessa. “Galing talaga sayo 'yan, sismars?”

Bobbie started giggling. Buntis kasi ito ngayon. Ara and Bobbie are with us pero naka-juice lang. May halo pa kasing pagbabanta kanina si Julio at takot na takot iwan ang asawa niya kasama namin.

Siguro ay mga ten minutes niya kaming binabantayan kanina at kung hindi pa tinawag ni Xantha si Kuya Ae ay hindi ito mapipilitang umalis. Dahil siguro sa takot ni kuya Ae sa sariling asawa ay binraso na nito si Julio at sinama sa labas. Doon sila sa may bandang poolside umiinom habang kami naman ay nasa sala.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon