50

2.2K 124 214
                                    

Hindi ako sigurado kung nabigyan ko ba ng justice 'tong story ni Yelo but I tried. Di ko siya talaga matapos dahil hindi ko rin talaga alam kung paano tatapusin.

Pero mag comment kayo mga mare para may mabasa naman ako haha

---

"Hindi ka kumain," It wasn't a question but a statement. Hindi ko na naman siya pinansin habang patuloy na naglalakad papasok sa opisina.

Kumain ako kanina ng tinapay habang naliligo siya ngunit hindi ko na lang isinatinig iyon. Besides, my emotions were all over the place. Hindi mag sink in ng maayos sa utak ko ang lahat ng nalaman.

Sa dalawang taon ay hindi naman ako nagtanim ng kahit ano'ng sama ng loob sa naging paghihiwalay namin. All I wanted were answers but I learned more.

Ano ba'ng mahirap sa pagsabi ng mahal niya ako? That he's ready to move forward with me?

Two years, ano'ng gusto niyang patunayan sa pagpunta punta niya sa parents ko? Papaano kung mag move on ako ng tuluyan?

But this is my hormones speaking. Kung ano ano na ang pumapasok sa aking isipan at hindi na alam kung paano ba haharapin ang lahat ng katotohanan.

Weighing on everything, parang ang lumilitaw kasi ay mahal na mahal niya ako, na handa siyang magsakripisyo para sa'kin. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Or am I shocked?

Sa buong araw ay mas lalo ko siyang hindi pinapansin dahil sa bawat pagkakataong nakikita ko siya ay tila ba ako napapagod. I feel so restless. Imbes yata na matuwa ako ay mas lalo lamang ako ngayong nahihirapan. Palaging pumapasok sa isipan ko ang posibilidad na sobra itong nahirapan habang magkalayo kami.

Mas bumigat ang aking pakiramdam at mas lalo ko siyang gustong itulak palayo. Nalilito na ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin.

Papalabas ako ng opisina ng muli siyang sumunod bitbit ang kanyang mga gamit.

"Akyat lang ako sa taas. I have a meeting pero mabilis lang naman 'to. Don't leave without me," paalam nito na hindi ko na naman sinagot. He probably noticed that I was colder than usual kaya hindi ito makahakbang palayo.

I noticed a few people looking in our direction. Hanggang sa makarating kami sa lobby ay hindi ako kumikibo.

Napa angat ang aking kilay ng maglabas ito ng telepono dahil may tumatawag roon.

"Si Julio na lang ang pa-attendin mo. May gagawin ako,"

Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya. I can feel my heart racing. Pakiramdam ko ay sasabog na ako. It didn't matter that we're in the middle of the lobby at may mga taong napapatingin sa amin.

Sobrang napapagod na lang ako, sa sarili ko, sa nangyayari sa aming dalawa, sa lahat.

Ibinaba nito ang telepono at napalunok.

"Did you just cancel your meeting?"

Tinignan ko siya ng direstso. I know for a fact that my voice waver a bit. Nahihirapan na akong pigilan ang emosyon. I balled my hands into a fist to control myself.

"Hindi naman importante. Kahit sino naman pwedeng umattend. O kahit wala,"

Nakamot nito ang kanyang panga habang ako naman ay sinusundan ang bawat galaw niyon. Sa lampas isang buwan na kasama niya ako ay parang mas lalo siyang pumayat.

Ngayon ko lalong napagmasdan ang kanyang kabuoan. He looked thinner at mukhang palaging pagod. Pumasok sa isipan ko ang gabi gabing pagtitiis nito habang natutulog sa sofa, ang pagsingit nito sa kanyang trabaho at ang pagsunod sunod sa akin. Bukod pa doon ay tumutulong pa siya sa bahay.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon