"Dad, can I live with you and Taias na po?"
"He's my Dad, not yours,"
"He will be my Dad too once I grow up. Sabi ni Tita practice makes perfect kaya I'm starting to practice na. Right, Tita Eun?"
Pinigilan ko ang mapahagikgik ng marinig ang sinabi ni Zari sa kanyang tiyahin. She and Taias were both on their booster seats while Eunecia sat on their side.
Ang cute ng suot ni Zari. She was wearing a pink leggings paired with a white blouse. Naka rubber shoes din ito and her hair was tied into Sailormoon buns. Naka puting shirt din si Taias na napilitang magpalit ng damit kanina dahil na rin sa pamimilit ni Zari. Nakaitim na shirt kasi si Taias ng lumabas sa kanyang silid. Pareho sila ng tatay niya.
"Alam mo Zari, ganda tayo pareho," bulong ni Eunecia.
"Ako lang daw po tita ang pretty sabi ng neighbors po natin,"
"Hala grabe, it really hurts ha," may pagsapo pa ito sa kanyang didbdib na akala mo talaga ay nasaktan sa tinuran ng pamangkin.
Napailing na lamang ako habang pinakikingan ang mga ito sa likuran ng sasakyan. I was riding shotgun while Yelo drives. Dala rin namin ang aso nilang si baby V. Noon ko pa iniisip kung sino ba ang nagpangalan sa aso nila pero nakakalimutan kong itanong.
I shifted from my seat and took a deep breath.
Pagkatapos ng nangyari sa kusina, napuyat yata ako kakakurot sa sarili ko.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. He even walked me to my room! I mean, what the hell was that?
Nag empake na rin ako ng mga gamit ng gabing iyon. Iyon pala ang ibig sabihin ni Eunecia. Apparently, Yelo hired her to be the personal teacher of Taias and the most probably, noong iba pang bata sa mansyon. Wala naman daw ibang tinuturuan si Eunecia. Ang alam ko rin ay nangungupahan lamang ito sa isang maliit na silid so Zari and her coming with us is not a problem.
Kahit paano ay mas nakampante rin ako ng malaman na kasama sila dahil wala naman akong kakilala sa pamilya nila Yelo bukod kay Barbara. And where not even that close!
Mabuti sana kung nandito si kuya pero wala pa rin akong balita rito.
"Dad, si Taias po ayaw niyang i-hold yung hand ko po!"
Napalingon ako sa kanilang gawi ng marinig si Zari na nagsusumbong kay Yelo. Pag tingin ko ay natutulog na si Eunecia kaya hindi na nito masaway si Zari.
"I don't want to hold your hand,"
"Bakit 'yung girl sa photo, you're holding her hand naman! Ang mean mo naman sa'kin, Taias!"
"She's my little cousin, and you're not,"
"Tita Aki, bawal po ba maghold hands pag hindi cousins?"
"Ha?" hindi kaagad ako nakasagot.
"Hakdog po!" maagap na sagot na naman ng bata. She always says that whenever she had a chance. Hindi ko sigurado kung kay Eunecia niya ba natutunan ang kalokohan na iyon o nadidinig niya sa mga kapitbahay nila
Napalingon ako ng marinig ko ang mahinang tawa ni Yelo. Napaawang ang aking labi sa sobrang gulat.
He was laughing!
Parang hinahalukay ang aking sikmura habang nakikita ang itsura niya. Ibang iba talaga ang awra niya kapag ngumingiti. Maging si Taias ay napatingin na sa direksyon ng kanyang ama.
"See, I can make Dad laugh kaya dapat i-hold mo yung hand ko, Taias! Sabi mo 'di ba, you want to see your Dad smiling!"
Napansin ko naman ang pamumula ng pisngi ni Mataias at what Zari just said. Nahiya siguro ito na narinig ng kanyang ama ang tinuran ng batang babae. Did he say that to Zari?
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"