40

1.7K 105 87
                                    


“Pinasuyo ka ni kuya sa’kin. Ihatid daw kita,” ani Julio nang lumabas ako dala ang sariling gamit. Alanganin pa ang kanyang ngiti at tila nangangapa sa nangyayari. Kanina ay balak ko sanang mag taxi na lang at huwag ng mang istorbo ngunit mukhang mas may oras pa si Yelo na utusan si Julio habang nasa banyo siya kaysa ang labasin ako.

Sumikip lalo ang aking dibdib. It’s like he’s really planning to send me away... Shit. Kahit nanginginig ang aking labi ay sinikap kong huwag maiyak sa harapan ni Julio.

Tila napansin niya ang kinikimkim kong luha ngunit wala lamang sinabi sa bagay na ‘yon at tinulungan akong ilagay ang mga gamit sa loob ng kotse.

I went in silently. Wala na akong balak pang magpaalam dahil pakiramdam ko ay bibigay ako ano mang oras. Hindi ko na kayang magsalita. I just want to leave...

Tahimik lamang ako sa byahe. Maaga pa ngunit nagpasya na akong ihatid agad ni Julio sa airport. Gano’n din siguro ako ka excited umalis na kahit isang oras maghintay sa sarili kong flight ay wala na akong pakialam. Mas mainam na rin ito dahil natatakot akong makita ng ibang mga babae. Ni hindi ko nagawang magpaalam lalo na kay Eunecia at Zari.

“Ano bang sabi ni kuya bago ka umalis?” Julio asked after a long silence.

“Wala naman... Parang wala naman dapat kaming pag-usapan pa,” matamlay kong bigkas habang nakatanaw sa labas ng bintana.

Right. We don’t have to talk about it. Noong nakita niya ang aking mga maleta ag gamit na naka impake, kahit ‘Oh? Aalis ka? Gusto mo hatid kita?’ Walang gano’n! Talagang sinampal sa akin na kung aalis man ako’y h’wag ko na siyang gambalain pa. Umalis akong mag-isa nang hindi siya naaabala.

Umagos naman ang aking luha na mabilis kong pinalis. Bumuntong ako ng hininga at ipinatili ang tingin sa labas ng bintana.

Wala ng iba pang sinabi ni Julio at nanatiling tahimik. Siguro’y naramdaman niya rin na ayaw kong pag-usapan pa ang bagay bagay.

Nasa bulwagan na kami ng airport noong hinalungkat ko ang dalang maliit na bag para hanapin ang aking passport.

“May problema ba?” si Julio na mukhang nababahala sa panay kong pagkalkal.

“Hindi ko mahanap ang passport ko,” sabi ko.

Napatigil siya sa paglalakad at kung hindi lamang dala ang aking mga gamit ay siguro tutulong na sa paghahalungkat ng aking bag.

“Wala, Julio! M-Mukhang naiwan ko...” Kinagat ko ang aking labi.

Binitiwan niya ang aking bagahe at dinukot ang cellphone.

“Tawagan nalang natin si kuya para ipaha-“

“Huwag na!” pigil ko.

He’s tired. Ayoko’ng makaabala at ayoko’ng maipamukha pa lalo sa akin na handa siyang pakawalan ako. Handang handa siya sa mga bagay na dudurog sa akin.

“Bumalik nalang tayo, Julio. It’s still early,” alok ko.

Medyo nagdadalawang-isip siya sa aking plano pero sa huli ay tumango rin at pumayag. Nahuli ko nalang ang sariling okyupado na naman.

“Oh? Kotse ‘yon ni kuya 'yon, ah?” biglang bumagal ang pagmamaneho ni Julio nang mapansin ang pamilyar na kotseng humarurot paalis. Paano ko ba iyon makakalimutan gayong inabot yata ako ng dalawang oras kanina sa loob noon at panay ang iyak habang binabasa ang diary ni Mattee.

Tiningnan ko ‘yon sa itaas ng salamin at sa sobrang bilis ay parang mauuna na ito sa finish line.

“Baka papuntang airport ‘yon at dala ang passport mo,” si Julio na inililiko na ang sasakyan at mukhang may balak iyong habulin.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon