34

1.3K 82 27
                                    

“Your mother keeps on calling me. Umuwi ka muna kung ayaw mong buhatin kita paalis dyan.”

Napangiwi ako ng marinig ang boses ni kuya sa telepono. He's annoyed. Baka nabungangaan ni Mom.

Bahagya akong napangisi. My mom can be so scary sometimes lalo na pagdating sa akin. She can't force me to do things out of my will but she does that to people around me. Tandang tanda ko pa noong napagalitan ang dalawa kong pinsan noon dahil sa'kin.

“Uuwi ako no. Wala na 'kong pera!”

“Tss, may card ka. Huwag mo akong utuin,”

Natawa ako sa kanyang sagot. Bakit feeling ko nakikipag usap lang sakin si kuya ngayon dahil naglalabas ng stress?

“Basta go home. Kahit ngayon, sunduin na kita dyan kung nag iinarte ka,”

“I will, kuya. Ang init ng ulo mo, kaya ka pumapangit eh. Kaya siguro ayaw na sa'yo ni Harlee-ughhhh,” as soon as I heard that abrupt beeping sound indicating that the call got cut off, naibaba ko kaagad ang aking telepono at napangisi. “Pikon,”

Nainis na naman sigurado ang pangit kong pinsan. Palagi namang ganoon. Ayaw na ayaw niya kapag nasasampal na siya ng katotohanan. Simula noon hanggang ngayon, si Xandria pa rin ang kahinaan niya, his Achilles heel. I'm not even sure if that's a good thing or what.

Ibinaba ko na muna ang telepono sa bed side table at tuluyan ng lumabas ng silid. Bumaba si  Yelo kanina. Taias wants to paint at sinamahan ito ng ama. Their relationship keeps getting better kaya naman natutuwa ako.

Nang tuluyang makababa ay napaangat ang aking kilay ng makita si Zari na nakaupo sa carpeted floor. May hawak itong teddy bear na hindi ko alam kung kanino galing. What I noticed though is that, she wasn't smiling like she use to. At bakit mag isa ang bata rito?

Sa naisip ay kaagad ko itong nilapitan.

I sat in the space in front of her and that's when she lifted her gaze. Parang piniga ang aking puso ng mapansin ang pamumula ng ng kanyang mga mata.

“Baby, did you cry?” nag aalala kong tanong. I reached for her face and cupped her cheeks with my hands. At doon ay muling nagsimulang magsibagsakan ang malalaking butil ng kanyang luha. Tila ba sinasaksak ang aking puso sa nakita. Zari was never like this. Yes, it's normal for a kid to cry pero 'yon nga, Zari is such a mature kid for her age.


“I want to leave,” bulong nito. She was crying silently. Hindi katulad ng karaniwang iyak ng mga bata na pumapalahaw. It was obvious that she was trying to control her tears but she can't, which makes it even more painful.

“Oh, Zari...” naiiyak ko na ring turan. Why? Bakit ganito siya bigla?

“Ayaw mo na ba dito?”

My lips quivered as I tried my best no to cry. Kapag bata ang nakikita mong jmiiyak, mas mabigat sa dibdib. Mas dama mo ang sakit. Seeing her in pain just breaks me. Napalapit na rin kasi ito sa akin at alam na alam ko kung ano ang pinagdaanan nito. Pinipigilan ko na rin ang aking sarili na maiyak. She looks very vulnerable, malayong malayo sa confident na batang kilala ko.

“No-" a short hiccupped escaped her lips which cut off what she was about to say. She then lifted her gaze at sinalubong ako ng tingin. Seeing how her cheeks were filled with tears, hindi ko na rin napigilan ang aking sarili  "Nobody wants me. Even my tita doesn't want me,” she added. Hearing her say those words pains me. Nag away ba silang mag tiyahin?

“Zari, we all want to be with you. And your tita, she loves you so much,” paliwanag ko. Hindi ako magaling maghandle sa mga bata but seeing her having a hard time breaks my heart.

“Why is she crying?" napalingon kami ni Zari ng marinig ang tinig ni Mataias. May hawak itong maliit na canvas board habang kasunod naman nito ang kanyang tiyuhin. Gold was carrying his child. His gaze landed to my direction. Nagtataka ang tinging ipinukol nito sa akin at umiling ako bilang tugon.

“Why are you crying?” tanong nito kaagad sa kaibigan.

Naramdaman ko ang bahagyang paglayo ng bata sa akin ng lumapit si Mataias rito.

“Are you sad?” Nakagat ko ang pang ibaba kong labi habang pinapanuod ang dalawa. Umupo si Taias sa harapan nito bago inilapag sa gilid ang canvas na bitbit.

Binitiwan ko si Zari lalo pa nga at napansin ko na nakikinig ito sa sinasabi ni Taias. This is probably the softest I've seen him. Dati ko ng napapansin kung gaano ka maalaga si Taias sa mga pinsan lalo na kay Teesha na itinuring na nitong kapatid. Para talaga siyang ang kanyang ama. He seemed cold but is gentle to those people he cares about.


“Stop crying na. Sa'yo na lang 'tong painting ko. This is my favorite but I'm giving this to you so you will remember to be happy too,” malumanay na turan ni Taias. He was being too sweet. As far as I know, Taias keeps every painting he does with his father, so him giving this piece of art for Zari means so much. Alam kong nagdahilan lamang ito para mapagaan ang loob ng kaibigan kaya naman hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya. At such a young age, he is this kind of person.

Tumayo ako at lumapit sa mag ama. Kinukurot ni Baby Khal ang pisngi ni Gold but Gold was focused on the two kids, marahil ay dala ng pag aalala.

“Gold nasaan ang kuya mo?” pukaw ko sa atensyon nito. Bahagya itong nagulat bago bumaling sa aking direksyon. He looked at little pre-occupied ngunit sumagot pa rin naman.

“Bakit lahat kayo hinahanap sa'kin si kuya? Si Ate Bobbie din! Hindi naman ako nagtatrabaho sa lost and child!” naiinis nitong sagot. Kumunot muna ang aking noo.

“You men, lost and found?”

Inis ako nitong binalingan. “Bingi ka na din ate? Hay, tara na nga baby Khal. Ang weird ng mga ate and kuya ko. Tara, hanapin na lang natin tita ni baby Zari,” Inilapag muna nito ang anak

Nang muli akong lumingon ay wala na sila Gold at Baby Khal doon. Baka tinawag nito si Eunecia.

Ano kaya ang pinag awayan ng mag tiyahin para isipin ni Zari na ayaw sa kanya ng mga tao sa paligid niya?

Bigla kong naisip kung gaano pa rin ako ka-swerte. Zari only have Eunecia. But I promise to always be here for them. Pakiramdam ko kasi ay nakahanap ako ng panibagong pamilya sa dalawa so the thought of them having a hard time breaks me.

Mas nakunsensya ako dahil kahit noon ay madalang akong umuwi.

I should start making memories with my family if I can, hangga't pinapahiram pa ako ng panahon ng langit.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon