“Tita, it's okay. Dad doesn't like sweet treats. And baka mainis again po si Dad,” turan ni Taias. Halata mo sa boses nito ang kaba and once again, that kinda tick me off a bit. Not because I'm pissed off with the kid kung hindi sa katotohanang may ganito siyang takot. Hindi dapat natatakot ang bata na ipakita sa kanyang magulang ang pinaghirapan niya.
Malalaki ang mga hakbang nito habang pilit na sumasabay sa akin. Nginitian ko muna siya at hindi nagpaawat sa aking nais na gawin.
“Your Dad will like this because you made it for him, kaya don't worry,”
“Pero Dad said we can't go inside the study room po,”
“Ako lang iyon, baby. Bawal ako kasi I'm too adorable for your Dad,” natatawa kong turan. Nilingon ko muna siya and I saw him pouting. He probably remember how his Dad almost threw his journal at me last time. It was when I almost spilled coffee on his papers.
Inis na inis ito dahil pabalik balik ako sa loob ng study room at kinukulit itong lumabas para makapagbonding sila Taias. Kaya lang ay nasagi ko ang tasa ng kape na iniinom nito kaya ang bilis naming tumakbo ni Taias palabas lalo na ng sumigaw ito.
Living with him for weeks, I realized that the best way to deal with him is to stand my ground. Hindi ako pwedeng magpalamon sa kasungitan nito. Mahirap, pero that's the only choice I have. Sobrang moody pa naman ni Yelo. Madalas rin ay nawawala na lang ito sa gabi at umuuwi nang nakainom. I was even surprised na mukhang sanay na ang kanyang anak. The only consolation I have is that, hindi siya umiinom sa araw. At hindi siya nagpapakita ng lasing sa harap ng bata.
But I know, nakakaapekto ito sa anak niya. Hindi na rin tuloy ako nagtataka na bumangon sa pagsiyesta sila Mattee at Faye sa langit dahil sa kagaguhan nitong si Yelo.
I still dream about them. Minsan ay bumabangon ako sa gabi dahil hindi pa rin ako makatulog. That's when I often see Yelo arriving home drunk.
There are days na hindi ako nito pinapansin. Hindi ko rin alam kung ipagpapasalamat ko iyon but I always remind myself na hindi naman ako nagpunta rito para magbakasyon. Faye and Mattee probably wanted me to help Taias reach out to his father.
Dumiretso pa rin ako sa paglalakad patungo sa study room ng kanyang ama bitbit ang tray na may lamang mga cookies at muffins na pinaghirapan naming i-bake ni Mataias kanina.
“But Dad only likes drinking coffee. And he doesn't like it when we disturb him while working,”
Sa isip isip ko, kahit ano naman ang ginagawa ng lalaking iyon ay ayaw nitong naiistorbo. Ang sungit sungit niya palagi! I can still remember how he almost left me last time too!
And the past few days, gusto ko sana siyang iwasan for my peace of mind. Minsan kasi ay kinakabahan ako kapag nagtatama ang aming paningin ngunit kailangan ko silang paglapitin ng anak niya.
“Hindi magagalit ang Dad mo. Si Tita Arika ang bahala,” sagot ko bago huminto muna sa harapan ng pintuan tsaka huminga ng malalim.
Huminga ka, Arika. Si Aki ka. Hindi ka duwag. Hindi ka takot kay Alexander! Kaya mo 'yan! I recited over and over.
Damn. Kung makita ni kuya 'tong mga kabaliwan ko ngayon, baka asarin na naman ako noon. Palagi niya kasing sinasabi na hindi ako uubra kay Yelo. Hindi naman ako papayag na maasar niya ako no! Dapat ako lang ang nakakaasar kay kuya.
Kahit na kinakabahan ay pinihit ko ang seradura ng pintuan gamit ang isa kong kamay. Hindi naman mabigat ang laman ng tray kaya hindi rin ako nahirapan.
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"