31

2K 120 62
                                    

“Hindi naman ako talaga inggitera pero sobra talaga iyang asawa ni Grey. Suplado pero grabeng mag alaga!”

"Cute nga po nila," dagdag ni Ara. Mas lalo tuloy napasimangot si Eunecia na ilang araw ng panay ang pagsasabi na gusto niya daw magkaroon kahit ka-fling lang. Mukhang inip na inip na rin ito. Kinakabahan nga ako dahil baka patulan na niya yung mga app na tinuturo ni Ahyessa.

“Sana all talaga,”

Maging ako ay napasunod na lamang ng tingin sa dalawa. Pasan pasan kasi si Grey, na mukhang kagigising lamang, ng kanyang asawa. Ang kambal ay kanina pa binabantayan nila Dakota. Mukhang nakatulog ang mga ito sa silid.

Napangiti akong lalo lng ituro ni Grey ang direksyon ng kuya Yelo niya kaya naman doon siya kaagad ibinaba ng kanyang asawa.

“Nakakagalit,” bulong na naman ni Eunecia ng bago umalis ay hinalikan muna ng lalaki ang pisngi ng asawa.

Seeing Yelo with his siblings warms my heart. Hindi ko alam kung bakit pero baka nagiging masaya lang ako na makita na lumalabas yung pagiging maalaga ni Yelo pagdating sa mga ito. I can no longer see him sulking like I used to.

“Kuya, hungry na kami ni baby Khal!”

“Kuya, ako din, hungry na. Gold, doon ka nga! You ate my food last time kaya!”

“No! Si Kuya Ae kumuha ng food mo no! Ask kuya Ulap. Kuya Ulap, 'di ba, si Ku-hala, madaya bakit ka nagpa-puppy eyes kay kuya Yelo!"

Hindi ko na maawat ang ngiti sa aking mga labi. Ang lakas ng boses ng kambal at halos magsigawan na kaya naman naririnig namin ang mga ito kahit medyo malayo kami

“Ganyan ba talaga sila?” bulong ni Eunecia. Nagkampo na kasi ang kambal sa harap ni Yelo na nag iihaw ng karne  Hindi ko alam kung ano ang naisipan ng magpi-pinsan but we ended up  having a party outside.

Inayos ko ang pagkakaipit ng aking buhok at sinuradong mahigpit ang pagkakatali niyon.  Kaming dalawa lang talaga ni Eunecia ang nakaupo rito sa lilim kasama si Ara na ayaw man lang pakilusin ng kanyang asawa. Nasa sala kasi si Andrea at pinapatulog si Baby Austin.

Bobbie was having a nap too habang si Ulap ay walang ginawa kung hindi magpagulong gulong sa harapan ng mga bata habang nakikipaglaro sa mga ito.

“Pappy Bear! Carry me po!”

“Bubbu, palitan na natin milk mo pala. Parang ang bigat mo na- ay, ano ba naman kuya!”

Natawa ako ng ikawit ni Chase ang braso niya sa leeg ng kakambal para awatin ito sa pagsasalita sa bata. “Do you want me to carry you instead, bubbu?” tanong nito sa bata na mabilis naman nitong ikinatango.

“Sandali, ako 'yung tatay niyan sa alam ko. Bakit hindi mo buhatin 'yung anak mo? Andrea si kuya o!” mabilis pa nitong hinabol ang kakambal dahil binuhat na nga nito ang pamangkin.

And then we heard the other couple. “Bilisan mo nga, Simon!”

Napabungisngis kaming lahat ng makita ang nakasimangot na si Xantha habang papalapit sa aming pwesto. Buhat nito ang anak habang ang asawa ay nakasimangot din ngunit dumiretso ito kaagad kay Yelo.

“Buti na lang nag away kayo. At least may normal pang couple dito. Malapit na kong magalit eh,” dagdag ni Eunecia. Kinuha nito ang anak ni Xantha habang ang huli ay umupo sa bakanteng upuan.

“Bakit na naman kayo nag away?”

Nagkibit muna ito ng balikat bago ngumuso. “Tagal niya kasing maligo. Kasalanan niya naman kasi hindi siya marungg sumalo. Sumabog tuloy sa kanya iyong diaper!”

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon