2

2.3K 102 91
                                    

“Magte-text ka palagi, or video call. And don't skip your meals. Magagalit ko kapag nalaman kong pinapabayaan mo ang sarili mo doon,”

Natawa ako ng mahina bago pinunasan ang mga luhang kanina pa naglalandas sa kanyang pisngi.

Zarah is such a crybaby sometimes. Or maybe it's because we're just not used to being away from each other.

Kailan ba noong huli kaming naghiwalay? Noon yatang umuwi ako ng Pilipinas nang mamatay si Faye. But after that, palagi pa rin kaming magkasama. Kahit hindi pareho ang shift namin minsan, just tge factbthat we live in the same house is something.

Kaya naman ngayong uuwi muna na ako sa Pilipinas, hindi na matigil ang kanyang oag iyak.

And yeah, I'm going back to the Philippines.

After having myself checked, I was adviced to take an indefinite leave dahil nga bumabagsak na raw ang health ko and being with the hotel for so long, the management decided to give me a chance to take a long break. My leave was indefinite, meaning I can go back when I feel like I am well enough to work.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Mom and Dad was very glad to hear na uuwi ako. Kaya lamang ay nasa Italy sila ngayon because of a business venture.

Okay lang din naman because I actually have another reason why I wanted to go home.

“I will miss you,”

We bid each other goodbye at kahit na nakasakay na ako sa eroplano, malinaw na malinaw pa rin sa aking isipan ang lumuluhang imahe ni Zarah.

I will really miss that girl.

Tama lang siguro na umuwi na ako para naman makapag imbita na ng lalaki si Zarah sa condo. That girl was all work and no play. Natatakot ako na baka tumanda siyang dalaga kung hindi pa siya haharot.

Napabaling ang aking tingin sa litratong nasa aking telepono.

He got his mother's eyes...

I reached out to kuya Vince last time and aksed about the kid. I heard he's around five or six years old now.

The little girl on the photo is his cousin, I believe. Natatandaan ko pa ng minsang mai-kwento ni kuya sa'kin si Barbara.

Akala ko talaga ay magkakatuluyan ang mga ito but I guess fate has a different plan. Narinig ko kasing nagkabalikan na si Barbara at ang tatay ng anak nito.

Good for them. I'm happy that Claye finally has a complete family.

I like that kid lalo pa nga at hango ang second name nea sa pangalan daw ng ama nito at ni Faye. Ano na nga ulit ang name noong guy? Was it Clark? Cloud?

I can't really remember.

Mabilis lang naman ang byahe pauwi ng Pilipinas. Nang makalapag ang eroplano at makuha ko ang aking maleta, hindi rin ako nahirapang hanapin ang aking sundo.

Ang sungit ng dating nito at kahit pa nga naka simpleng black polo shirt lamang na pinartneran nito ng denim pants habang naka-shades at naka-cap, ay grabeng atensyon pa rin nag nahahatak nito mula sa mga tao sa kanyang paligid.

We inherited good genes after all.

Natawa ako sa sariling kayabangan.

“Hey,” bati nito sa'kin. Hinatak niya ako papalapit at ikinulong sa kanyang mga bisig.

Agad akong napangiti. Alam ko, he's getting emotional having me here. I'm like a sister to him na rin naman. And both of us knew na pareho lang kami ng naiisip - si Faye.

Kinuha niya na rin naman ang aking mga gamit. In no time, we were already traveling. Doon muna ako mananatili sa condo niya while I decide what to do while I'm here.

“Next month pa yata uuwi ang parents mo,” bungad niya nang makapasok kami sa loob ng kanyang condo.

It wasn't very big but it was spacious. Walang masyadong kagamitan sa loob which I kinda understand since kuya had always been like this naman.

“There's another room you can use while you stay here. Kumain ka na ba?”

Napaangat ang aking kilay sa kanyang naging tanong.

Noon ako nakaramdam bigla ng gutom. “If you're going to cook for me, please lang, simulan mo na kuya,”

A smirk came out of his lips and that's when I knew, yayabangan na naman ako ng magaling kong pinsan. Alam na alam ko na mahilig siyang magluto.

Of course, he especially enrolled in a cooking class just because he's whipped with his ex. Pakitang gilas si kuya at effort talaga sa pagluluto.

Kaya lang ganoon talaga, minsan kahit ibinigay na natin ang lahat, kulang pa rin.

“Ipinagluto mo rin ba si Barbara sa Canada?”

Natawa ako ng balibagin ako nito ng pot holder sa mukha. Nakasimangot na kaagad siya dahil alam na aasarin ko.

“May balat ka siguro sa buttocks, kuya. I mean, palagi kang hindi pinipili, ”

Natawa ako ng malakas ng itaas ni kuya ang kanyang kamay at saluduhan ako ng gitnang daliri noon.

“Barbara and I broke up with mutual understanding about what we really feel with each other. So your point is irrelevant,”

“Luh, eh iyong nauna? Baka iyon ang mas masakit,”

Ang lakas lalo ng naging tawa ko ng tuluyan akong talikuran ng aking pinsan bago naglakad palabas ng kusina.

Naubos ko rin naman ang niluto niyang pasta. Matapos hugasan ang pinagkainan ay naabutan ko itong nakaupo at tutok na tutok ang mga mata sa kanyang cellphone.

Umupo ako sa kanyang tabi.

“Salubong na naman ang kilay. Galit ka na niyan?”

Umusod pa ako ng kaunti bago ikinawit ang aking kamay sa kanyang braso. Sinilip ko ang tinitignan niya at natawa.

“She calls you Tito Daddy? How sweet. Nakakasad lang kasi may iba ng tinatawag na daddy 'yong mommy,”

“Alam mo papalayasin kita dito kapag hindi ka tumigil,”

Ibinaba muna nito ang telepono sa lamesa sa aming harapan bago sumandal muli sa sofa.

“She misses her kuya Taias. Wala naman akong magagawa dahil nasa tatay niya 'yong bata. Besides, that kid clings to his father like a koala,”

Natahimik ako sa bagay na iyon.

Ang totoo, isa sa dahilan kung bakit pumayag ako na i-take ang leave na binigay sa'kin ay dahil na rin sa batang iyon.

I kept dreaming about Mattee and Faye... So maybe, maybe they want me to check on the kid.

“How's he ba? He looked healthy naman sa photos,”

Narinig ko itong bumuntong hininga, “Honestly? I have no idea. Hindi ko kabisado ang takbo ng utak ng tatay noon. You see, that man lost his whole world. He lost the love of his life. At dahil nawalan din ako, hindi ko siya masisi kung bakit mas pinili niyang magkulong sa sira na niyang mundo. It's just so painful to see his child watch him wreck himself. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hinahayaan naming manatili pa si Taias doon. I'm goddamn worried for the kid but he wants to be there, with his father. Tangina. Ang bata ni Taias pero parang siya pa ang gumagawa ng paraan para piliting mabuhay ang tatay niya,”

Napalunok ako. Every single word that comes out of Kuya's lips feels like there is a knife slashing my heart, ripping it apart.

Bakit ganoon? Bakit ang bigat?

And Taias, he's just a kid. Dapat ay paglalaro lang ang inaatupag ng batang iyon.

Nakagat ko ang pang ibabang labi.

Is this what Faye wanted to tell me? Does she want me to save the kid?

Ito na ba talaga iyon?

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon