41

1.6K 94 35
                                    

“Arika...” napakislot ako ng may maramdaman na humawak sa aking braso. Nang lumingon ako ay sinalubong ako ng nag aalalang tingin ni Zarah. Her face gloomy as if she was stressed about something.

Para itong pagod at nahihirapan. Masama kaya ang gising niya?

“May naiwan ka?” mahina kong tanong bago ibinalik muli ang aking tingin sa pinapanuod na palabas sa aking harapan.

Narinig ko pa itong bumuntong hininga. From the corner of my eyes, I saw her started gathering those things I did not even noticed scattered on the floor.

Oo nga pala, hindi yata ako nakapaglipit kanina.

“Aki, tapos na ang shift ko. Sampung oras na simula ng iwan kita rito kanina. Tumayo ka man lang ba?”

She said something but my eyes were too focused on the screen para maintindihan man lang ang sinasabi niya. Sino na nga ulit 'tong bidang babae na 'to?

“Denysse!” napakislot ako ng marinig itong nagtaas bigla ng boses. Napatingin ako kaagad sa kanyang gawi. She looked problematic, hopeless, parang gan'on.

“Bakit?”

Huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita.

“I said my shift has already ended,” she uttered as if it was the most shocking thing ever.

Lutang at wala sa sarili akong napatingin sa direksyon ng orasan na nakasabit sa may dingding.

Noon ko lang rin napansin na madilim na pala.   Nanlalambot akong tumayo. Nanlalata man ay kumilos ako mula sa pagkakaupo sa sofa sa sala at nagtungo na sa kusina.

Hinugot ko  mula sa pagkakasaksak ang cord ng rice cooker na nawala na rin pala sa aking isipan na kanina pa nakasaksak. Nagsaing ako kaninang umaga para sa maghapon ngunit hindi rin naman ako nakaramdam ng gutom kaya nawaglit na rin maging ang pagkain sa isipan.

“Shit! Arika!" galit nitong turan. "Ganyan katagal mong nakalimutan na may sinaing ka?” bulalas nito na nakasunod na pala sa akin sa kusina. Tinungo ko ang direksyon ng ref at kumuha roon ng mapapapak. Ipinagsabalewala ko na lang ang mga pagbulong niya. Parang unti unti na rin naman akong nasasanay na naririnig siyang nagsasalita.

“Arika naman, paano kung iba ang nakalimutan mo? Mapapahamak ka sa ginagawa mo e,” tila nanlulumo na nitong turon. Hindi ko maintindihan bakit siya stress na ganyan dahil sa sinaing. Kumakain naman kami minsan ng tutong.

I went to the kitchen counter and grab a glass that I filled with cold water bago ako nagtungo na muli sa sala at umupo sa couch kung saan maghanpon akong nakapwesto.

I heard her release a long sigh.

“'Yan lang ang kakainin mo?” sita nito sa'kin ng ilapag ko sa lamesa ang tirang pizza na inorder nito kagabi at ang baso na may lamang tubig.

Hindi ako kumibo. Wala na akong sapat na lakas para sumagot pa sa kanya. Isa pa ay pareho lang naman sila ng sinasabi ni kuya  Same sila ni kuya na wala ng ginawa kung hindi tadtarin ng messages ang telepono ko. Kung hindi siguro problemado sa pag-ibig ang isang iyon ay nasugod na rin ako rito.

Muli ay ibinaling ko ang aking atensyon sa pinapanuod. Ano na nga kasi 'tong palabas?

Narinig ko muling napabuntong hininga si Zarah tsaka ako tuluyang tinalikuran.

Hindi ko alam kung gaano na naman ako katagal nanunuod basta ang alam ko, ubos na ang tinapay at tubig sa aking harapan. Ni hindi ko man lang naramdaman na nabusog ako. Nagulat ako ng biglang mamatay ang palabas sa tv na hindi ko rin naman maalala kung ano ngunit mabilis rin akong napatingin sa aking gilid.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon