17

1.6K 118 130
                                    

“Sorry, I'm not sure I have the right to ask but, is there something bothering you?”

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi ng marinig ang tanong ni Eunecia. Katatapos lamang nilang mag aral ni Taias and like usual, Zari was talking to him. They were seated on the carpeted floor habang ipinapakita ni Zari sa kanya ang drawing nitong teddy bear.

“It's pretty like me, 'di ba, Taias?” narinig ko pang tanong nito.

“Kuya, you should call me that because I am older,”

Ni hindi man lang ito tinapunan ng tingin ng anak ni Yelo. Manang mana talaga ito sa kanyang ama.

“No. I'm not your little sister like 'yung kid sa photo,”

Hindi ko na napakingan pa ang pinag uusapan nila nang muli akong humarap kay Eunecia.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago sinubukang ngumiti muli.

Parang hinahalukay ang aking tiyan sa sobrang kaba. Sa totoo lamang ay hirap na hirap ako at nangangapa. I don't really know how to deal with everything that has happened now.

Dalawang araw na ang lumipas ngunit halos mag iwasan kami ni Yelo. He stays inside his study room at ako naman ay madalas na tumitigil sa aking silid. Maaga akong naglilinis at nagluluto agad ng makakain para hindi kami masyadong magtagpo.

As for the child, pakiramdam ko ah nagkaroon ng kaunting gap ang relasyon namin ng bata.

Did he really think na sinaktan ko ang kanyang ama?

“Grabe sa pagka-solemn ang atmosphere sa bahay na 'to. Ano ba, nakakadistract ba iyong sobrang kagandahan ko? Sabihin mo lang at hindi ako maliligo ng two days para mabawasan naman kahit paano,” pagbibiro nito.

Isang ngiti ang kumawala sa aking labi bago siya muling hinarap. Siguro nga ay napapansin nito ang awkwardness naming tatlo sa bahay.

“Sana all na lang clear skin,” gatong ko sa biro niya. Nagkatawanan na lamang kami habang pinapanuod na naman ang dalawa. Si Zari lamang ang daldal ng daldal at tila ba hindi napapagod. Somehow, I can see myself in her, kapag kinukulit ko si Yelo.

“You know Zari is so lucky she have you,”

Napatingin si Eunecia sa aking gawi bago ngumiti. She was wearing a white dress, may mangas iyon at simple lamang ang tabas ngunit mas lalo yatang tumingkad ang natural nitong kagandahan. Kung hindi nito sinabi na pamangkin nito si Zari, iisipin ko talaga na mag ina sila. Kuhang kuha rin kasi ng bata ang kakulitan nito.

“Baliktad nga yata,”

Umikot munanito bago umupo sa isang bakanteng silya, ang kanyang mga mata ay nakatutok pa rin sa dalawang bata.

Sumandal ako sa lamesa at pinanuod rin ang mga ito.

“She was the one who saved me. Baka kung wala siya, hindi ko na rin alam kung nasaan ako,”

Hindi na lamang ako nakakibo sa bagay na 'yon. Hindi niya lang rin siguro masabi, but I guess Zari is her lifeline too.

After another hour ay nagsimula na rin itong magligpit ng kanyang mga gamit.

“Uwi na kami. Kailangan din kasi naming mag empake,” dinampot nito ang kanyang bag at iba pang teaching materials. Si Zari naman ay isinusuot ang bag sa likuran.

Kumunot ang aking noo sa kanyang tinuran. May klase pa sila ni Taias ah.

“Aalis kayo?”

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon