The sound of something rustling filled my ears. Maging ang manaka-nakang pagdutdot ng kung sino sa aking pisngi made me open my eyes from my slumber.
And when I did, my eyes squinted a little, the artificial light coming from above blinding me. Gayumpaman ay kaagad ko ring naaninag ang mukha ng batang nasa harapan ko.
He was sitting beside me, his lips parted at para bang nagtataka ito sa kung ano. Kaagad kong napansin ang bahagyang pamamaga ng kanyang mga mata. Doon ay mabilis na pumasok sa aking isipan ang nangyari kahapon.
I'm glad he kinda looked okay. Nakapag palit na rin ito ng damit. Or did he took a bath?
Bigla akong nagpanic. Tanghali na ba?
“Dad, she's awake,” bigla nitong turan na lumingon pa sa kung saan.
Bago pa ako nakapagsalita ay naibaling ko na kaagad ang aking atensyon sa kabilang bahagi ng silid. Mabilis akong napabangon mula sa aking pagkakahiga ng sumalubong sa akin ang pigura ng isang lalaking naglalakad palabas ng banyo. He was trying to wear his shirt kaya naman kitang kita ko kung gaano ka-matipuno ang kanyang katawan.
Napalunok ako.
Damn, what a morning.
Hindi na ako nakapaglaway pa sa nakita because he immediately burst my bubble of thoughts anyway. He walked straight towards the bed and stood there like a king.
“Masarap bang matulog sa kama ko?”
Para akong sinabuyan ng malamig na tubig sa aking mukha ng marinig ang tinuran nito.
That's when I realized where I was, inside his room.
Pinanuod ko siya habang nakatayo ito sa bandang ibaba ng kama at tila hinihintay akong magsalita. Salubong pa ang kanyang kilay at tila hindi maganda ang naging gising. Nahagip ng aking mga mata ang mamasa masa niyang buhok kaya naman napalunok ako kaagad.
He just look...refreshing. Kahit pa nga nakakunot ang kanyang noo ay para pa ring maaliwalas ang awra na mayroon siya. Nakatulog kaya siya ng maayos?
I noticed him sigh. Tila ba inip na inip na sa kung ano.
“Tita Arika,” nagulat ako ng maramdaman ko ang marahang pagkalabit ni Mataias sa aking braso. Nilingon ko kaagad ito na nakaawang pa rin ang mga labi.
“Tita, you're staring at my Dad,”
“Ha?” naguguluhan kong tanong. Hindi yata nagpoproseso kaagad sa aking utak ang mga nangyayari.
“Bumangon ka na kung tapos ka ng managinip dyan. We don't have stocks in the house, unless ayaw mong sumama dahil masyado kang enjoy humiga dyan sa kama ko,”
Iyon lamang at tinalikuran na rin ako ng supladong lalaking iyon. I heard Taias chuckling. Nang muli akong lumingon rito ay kaagad itong ngumiti. Bahagya akong nanibago dahil hindi ko ito madalas makitang tumatawa.
“Dad is okay na po. Sama ka, Tita,” aya nito sa akin bago ito mabilis na bumaba sa kama.
Ako naman itong tulala pa rin habang iniintindi kung ano ba ang mga nangyari.
Pilit kong inalala kung bakit ako naririto at mabilis akong napatakip ng aking mukha ng maalala kung paano ko iniwan si Yelo sa sala ng makatulog ito.
Did I even give him a pillow last night?
Sobrang bigat kase niya. Hindi ko naman siya kayang buhatin papasok sa kwarto!
Dumiretso din ako rito kagabi to check on Taias but he was shivering too much that I decided to hug him until he finally fell asleep. Hindi ko na namalayan na nakatulog na rin pala ako.
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"