13

1.6K 105 67
                                    

“Tita Arika, are you okay?”

Pinilit kong ngumiti ng marinig ang tanong sa akin ni Mataias. He was looking at me very seriously kaya naman mas lalo kong itinago ang totoong nararamdaman.

The truth is, gusto ko ng magtatakbo papunta sa lilim ng malaking puno kung saan kanina pa umiidlip si Yelo. May inilatag siyang sapin doon kanina bago siya parang anak ng Diyos na humiga.

That fucker. He brought us here to help Aling Baby dahil nga maging ito ay mayroon ng sakit but all he did was sleep. Well, kanina ay may inaayos siya sa bubungan ng bahay nila Aling Baby pero hindi niya kami tinutulungan ni Mataias na mag ani ng mga gulay dito sa garden.

Or garden pa ba itong matatawag e halos isang oras na ay hindi pa rin ako tapos sa pag ani ng mga gulay. Baka abutin pa ako ng tatlo pang oras dito.

Why do I have to volunteer kasi? Gusto ko ring tuktukan ang aking sarili dahil sa katangahan. Bakit kailangan kong magpabibo rito? Kung hindi lang ako nahahabag sa matanda ay hindi ako magta-tyaga na mabilad rito sa ilalim ng sikat ng araw at pagtiisan ang pawis na kanina pa bumabalot sa aking katawan. Ayaw na ayaw ko pa naman na pinagpapawisan ako. Though hindi iyon naiiwasan sa line of work ko, it is also my job to look presentable dahil may mga guest na pwedeng makakita sa'kin.

Pinahiram ako ng pamangkin ni Aling Baby ng asul na long sleeves para daw hindi ako mainitan. Mabuti na lamang at nakapants ako kanina. I was also wearing that hat used by garderners. Si Taias ay suot ang malaking t-shirt ng kanyang ama na kinuha nito kanina sa kotse. Pareho kaming nakasuot ng cap.

His cheeks were already red ngunit ayaw naman niyang sumilong. Sa tuwing nakakapuno ito ng basket ay ipinapakita niya ito sa kanyang ama.

It's been a week since that incident at the grocery at pinilit kong huwag masyadong magdidikit dito kay Yelo. Madali lang rin naman dahil madalas ay babad ito sa trabaho at nagkukulong sa loob ng kanyang study room. Si Taias naman ay madalas akong samahan kahit pa nga alam kong napililitan lamang ito. Halata namang mas gusto nitong palaging tinititigan ang kanyang ama. Hindi ko rin maintindihan ang batang iyon. Alexander pays so little attention to the kid pero ang kanyang anak ay parang siya lang palagi ang nakikita. It's a cycle that I hate seeing.

Staying with them, I realized two things. One, Mataias only looks at his father,  nothing and noone else. Second, Alexander doesn't give a fuck about it. I mean, it's a given na may paki siya sa anak niya but at least give the child the attention he deserves.

It is so heartbreaking to watch, to be honest. Iyong makita mo iyong bata na parang ang ama lang nito ang mundo niya? He wants validation at naiinis ako dahil hindi ibinibigay ni Yelo ang bagay na iyon.

Why is it hard for him to tell Taias that he's doing a great job? Or kahit isang simpleng ngiti or a tap on the back? Bakit? Bakit sobrang damot niya?

“Tita, your face is red na po,” puna na naman ng bata. Naibaling ko tuloy pabalik rito ang aking atensyon mula sa masamang tinging kanina ko pa ipinupukol sa direksyon ni Alexander.

Bakit hindi na lang siya matunaw doon sa lilim katulad ng pangalan niya?

Sa sobrang inis ay nagmartsa ako papalapit sa direksyon nito.

Naiinis talaga ako. Ang init init tapos siya ay nagpapakasaya sa pagtulog doon!

Naramdaman marahil nito ang aking presensya dahil bahagya nitong inalis ang braso nitong nakatakip sa kanyang mukha. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata and seeing him up close like this, hindi ko alam kung bakit parang may malakas na tumatambol sa aking dibdib.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon