The travel back home was quiet. Like last time, Taias was lying down at nasa bisig ko ito. He was fine now pero nanghihina pa rin. Gusto sana namin na manatili muna siya roon but the child wants to go home.
Nang makarating kami sa bahay ay madilim na. Mabilis na nakaikot si Yelo at kinuha si Taias saking bisig. Ni hindi ko nakuhang magsalita dahil hindi rin naman siya kumikibo. I wonder if bukal sa loob niya ang pagpapanatili sakin rito o tinablan lang siya sa sinabi ni Dorothy.
Napaisip tuloy ako kung ano'ng meron don sa pamilya na sinabi niya at parang mas papatulan pa ni Alexander na nandito ako kaysa sa kanila. For sure they aren't that bad, right? Coz I know they are family. Or siguro isa ding tahimik yung pamilya na yun kaya ayaw niya.
Maybe.
Pinatungan ko ng kumot ang ulo ni Taias para hindi ito mahamugan. Inaalalayan ko na lamang ang mga ito sakaling mahulog ang kumot. Isa pa ay dala ko ang mga gamit na binilo namin kanina na pamalit ni Taias kaya sumunod na rin ako.
Nang Mapatapat kami sa isang pintuan ay ako na ang nagbukas. Napaangat ang aking kilay ng salubungin ako ng hampas ng lamig na nagmumula sa airconditioning doon.
Kwarto niya ba iyon?
Bago pa ako nakakilos ay naabot na niya ang ilaw sa bandang gilid. Hindi na ako nagulat sa itsuta ng silid. Kung simple na ang kwarto ko ay mas lalo na ang kanya.
Bukod yata sa isang malaking lamesa, kama at book shelf sa gilid ay wala ng ibang gamit doon. Sa bandang kaliwa ay may malaking pintuan papasok na iniisip ko kung walk in closet ba dahil wala akong nakitang mga cabinet. Sa bandang kanan ay nakita ko na bukas ang pintuan ng banyo.
Maingat nitong ibinaba si Taias nakatulog na rin kanina sa byahe.
“You share rooms,” hindi ko naiwasang bulong habang ibinababa ang mga gamit ni Taias sa lamesa. Mahina lamang iyon ngunit mukhang narinig niya dahil sumagot ito.
“He has his own pero lumilipat rin siya dito kapag nagigising siya. He can go back once he's okay,”
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi.
Why does he sound like he was explaining to me?
I watch as he reaches for the controller and adjusted the temperature in his room. Masyado kasing malamig at giginawin ang bata.
Nang maibaba niya iyon ay tsaka niya ako binalingan. Nagtama ang aming paningin at bahagya akong nagulat sa lalim ng kanyang naging titig.
His eyes, wala talagang ka emo emosyon ang mga matang iyon. Mabilis tuloy dumaloy sa isipan ko ang pagkataranta nit kanina. At least that made me see how he cares for his child. Ganoon naman siguro talaga ang magulang. Minsan akala mo ay walang pakialam but deep inside, you serve as their weakness. Ikamamatay nila kapag nawala ka.
“Gusto mo rin bang matulog rito?”
Bahagya akong napapitlag sa kanyang naging tanong. Dahan dahang umanagat ang isa niyang kilay habang ang mga kamay ay nakahalukipkip na. He was studying my reaction and I was honestly hoping that my cheeks aren't blushing. Napalunok ako.
Bakit ba ako biglang nate tense?
“Hindi ka talaga lalabas? Ano, gusto mo ba tatlo tayo rito sa kama? Well, kasya naman pero...”
Nanlaki kaagad ang aking mga mata nag mapagtanto ang kanyang ipinupunto.
“I'm-I'm sorry. Lalabas na ako,”
Iyon lamang at nagkukumahog akong lumabas ng silid. Nang maisarado ko ang pintuan ay napahawak ako sa magkabila kong pisngi.
Bakit ganoon? Bakit ako kinabahan? Nasapo ko ng isa kong kamay ang aking dibdib at pinakiramdaman ang mabilis na tibok noon.
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"