7

1.8K 98 32
                                    


The next morning, I woke up really early. Well, not that I really woke up early but I was not able to sleep well.

Ganito naman palagi. Ever since I started getting dreams about Faye and sometimes, Mattee, getting enough sleep had been so hard. Hindi naman ako namamahay para hindi makatulog because I'm used to sleeping somewhere else. I mean, alagang hotel ako, and I often travel. Kaya lang talaga, iba ang epekto sa katawan ko ng mga pagdalaw dalaw nila Faye sa'king panaginip. Hindi ko rin alam kung ano ang napapala ni Faye sa ginagawa niya.

Naisuklay ko ang isa kong kamay sa magulo ko pang buhok. Nakaupo pa rin ako sa kama at hindi pa sinusubukang bumangon. Kabado ako dahil baka 'pag lumabas ako ng silid ay si Yelo agad ang mabungaran ko.

Seeing him early in the morning is not something I am anticipating. Maagang stress lamang ang dadalhin niya sa buhay ko.

Tumingala ako saglit bago napabuntong hininga.

Bored ba sila Faye at Mattee sa itaas kaya nila ko trip?

Napanguso muna ako bago tumayo sa higaan.

I need to prepare lalo na kung tototohanin ni Yelo na palalayasin niya ako dito sa bahay niya. Buong magdamag ay nag isip ako ng paraan kung paano mananatili rito sa bahay ngunit wala akong naiisip. Eyebags lang yata ang napala ko sa pagpunta rito.

Pangalawa, considering how he treated me, hindi na rin ako umaasang magbabago ang isipan ng lalaking iyon. Bagay kasi sa kanya ang name niya! He's as cold as ice! Naaawa nga ako sa bata. Feeling ko hindi siya nag eenjoy sa buhay niya dahil ang kj din ng dad niya!

Taias should go with me! We can visit so many places and I would let him try things that his age should experience.

Nagsimula akong maglinis ng silid. Inayos ko ang ginamit kong kumot at unan. The room I occuppied was okay. Papasa na rin siya siguro na pang three star hotel. May restroom naman at tama lang ang laki ng silid. Alam mo rin na mayaman ang may ari talaga ng bahay dahil sa mga kagamitian. That table on the corner alone is surely expensive. Thr furnitures are obviously high end. Tge class and taste is impecable. Simple lamang ang ayos ng silid ngunit malulula rin naman kahit paano ang sinumang makakapasok sa loob nito.

Dahil sanay na sanay sa paglilinis sa hotel ay hindi na bago sa'kin ang ginagawa. I follow a certain standard in cleaning, something that I can't really avoid. Sa ilan taon kong pagtatrabaho ay automatic na siya at talagang nakatatak na sa sistema ko. Kaya namam matapos kong maghilamos at makalabas ng silid, hindi ko na rin napigilang magligpit sa sala.

The first thing I did was open the drapes.

Hindi na yata nasisinagan ng araw amg loob ng bahay na ito. May tagalinis ba sila?

I look at the clock and realized that it's still seven in the morning. Hindi ko rin alam kung anong oras natutulog si Yelo at si Taias. I left his study room the moment I got annoyed with him.

Dahil wala akong nakikitang lumalabas sa kahit na anong silid ay hindi ako tumigil sa ginagawa. Eventually, I ended up searching the fridge for something to eat. Marunong naman akong magluto.

Finally, I decided to settle sa usual breakfast.

I wonder how they like their egss, sunny side up or scrambled?

To make sure, pareho ko na lang ginawa. I fried a few hotdogs and strips of bacon. Marami pang kanin na natira kagabi so I simply fried it. Iniinit ko na din iyong ulam na niluto ni Yelo kagabi.

At around nine, nakatapos na kong magluto. Since wala pa namang gising, I decided to take a quick bath. Pinawisan ako sa paglilinis. Hindi ko na lang masyadong tinagalan dahil baka magising na rin sila.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon