I just wanna greet Cayoon93 or Cate a Happy Birthday. I hope you enjoy your day. ☪️
-------“Luhura-Ahyessa samahan mo ako ditong lumuhod!” pangungulit ni Eunecia kay Ahyessa na hindi naman binigo ang dalaga. Lumuhod din ito sa tabi si Eunecia na ikinahagikgik pa ng dalawang buntis.
“Wait, puta, sandali suportahan kita, Eun! Lumabas na din sa lungga niya ang babaeng pinatuwad-ay pinagpala pala. Oo, pinagpala 'yon!” bawi ni Ahyessa ng samaan ito ng tingin ni Chase na nakatayo di kalayuan mula sa aming gawi.
“Hoy, kayong dalawa!” natatawa pa si Andrea na tinakpan ang tengga ng anak dahil sa kung ano anong sinsabi ng dalawa.
Nanghihina man at masakit pa rin ang katawan ay sinikap kong umakto ng normal at umupo sa isa sa mga bakanteng silya.
Nakita ko pa si Xantha na paparating at buhat ang kanyang anak, kasunod nito ang asawa nito na napakaraming bitbit na kung ano ano. Mukhang nagshopping na naman. Nalaman ko na ang arte ni Aedree sa mga gamit ng kanyang anak. Kung ano daw ang maisipan ay binibili kahit na hindi pa naman magagamit ng bata.
“So the woman is finally out of the devil's den,” tukso nito ng tuluyang makalapit. Nang makita naman ako ni Aedree ay kaagad na ngumisi.
“Oh, Arika, bakit ka lumabas ng kwarto? May sakit ka daw sabi ni Alexander ah. Baka magdilim ang paningin noon kapag nakita ka rito sa labas,” inosente nitong tanong. Nadinig ko na namang nagmura si Ahyessa.
“Sakit na ng tuhod ko lumuhod ha,” bulong nito bago hinatak na rin patayo si Eunecia. They both sat on the couch, makahulugan na ang bawat ngiti na hindi ko pa alam kung ipagpapasalamat ko ba o isipin ko na lang na bumalik sa loob ng kwarto.
Si Yelo, hindi ako pinalabas ng kwarto buong araw at ng sumunod pa. He said I'm still sore at sinabi niya yata sa lahat na amy sakit ako at huwag akong pupuntahan. Taais went though, he gave me a glass of milk. Balot na balot ang aking katawan noon ng kumot dahil kabado na baka makita nito ang mga marka sa aking katawan, reason why I am also wearing a huge jumper from Yelo's closet. Nagkalat kase ang mga marka sa aking katawan. Naka loose pants rin ako at pinili kong maglugay ng buhok.
Natatawa namang pinalayas ni Xantha ang asawa dahil siguro alam nitong hindi ako kumportableng sumagot.
Si Chase naman ay nagtungo sa kusina kaya kami na lamang ng mga babae ang naririto.
“Grabe, Arika. Balot na balot ka today. Ginaw ba, o dami ka tinatago?” pang iinis nitong si Eunecia. Inabot ni Ahyessa ang baso ng juice sa lamesa at uminom roon bago itinaas taas pa ang kilay.
“Stop teasing,” kunwang saway ko sa mga ito kaya naman inulan kaagad ako ng protesta. Si Ara na akala mo ay isa ring inosente ay panay rin ang tanong.
“Sagutin mo na kami Arika bago kami abutan ng lalaki mo. Pabalik na 'yon dahil kanina pa sila lumabas para samahan si Grey mamili ng mga gamit,” si Bobbie.
Nakagat ko ang pang ibabang labi bago sumandal muna sa upuan.
“Kayo na ba ni kuya?”
“Ano ba namang tanong yan, Ara? Kita mo nga ang glow ni ate mo, alam mo iyong glow ng nawarak pero mas lalo yatang gumanda!”
Napangiwi ako sa sinabi ni Ahyessa. May sasabihin pa yata sana ito kung hindi lamang napansin ang aking reaksyon.
Napalunok ako.
We are together, right? I mean, I know he never really said he loves me but it's like, we already promised to stay with each other. Ganoon na rin naman iyon, 'di ba?
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"