22

1.7K 117 112
                                    

Isang update lang today dahil may hahabulin akong paid stories. Patawad

--------

“That's an elephant po, right?”

“Bakit po malaki nose ng elephant?”

“Zari, big din siya. I don't like elephants. They are scary!”

“Oo nga, Teesh! Are they going to eat us kapag nasa zoo tayo?! Tita Eunecia ayaw ko na po magpunta sa zoo!”

“Just finish coloring them, you two," saway ni Taias sa dalawa.

“Gusto ko pink ang elephant ko! Ikaw din dapat, Taias para same tayo!”

“Dadda!”

“Baby Bee, dito ka. Huwag kang makugulo kila ate, nagka-class sila,”

“Milk! Milk!”

“Aray, Khal! Stop hitting me!" Umupo si Gold mula sa pagkakadapa at hinarap ang anak. "'wag ka muna mag milk. You just finished a bottle! Mag exercise tayo mamaya!”

“Huwag kayong maingay! Nakikinig kami ni baby Aerys!”

“Kuya, huwag ka nga sa sahig. Para kang damulag na kapre dyan! Naiistorbo mo ang baby bubbu kong mag aral!”

“Akala mo hindi rin siya sumasali. Nauna ako sa'yo dito Ulap ha!”

“Bahala ka dyan, kuya. Bubbu, huwag kang matakot sa elephant. Hindi sila scary. Use this color, mas maganda yung yellow sa elephant,”

“Pappy Bear, hindi ka po scared sa elephant?”

“Brave ang Pappy Bear mo, si Tatay Ae hindi yan brave!”

“It's true, baby Khal. Si Tatay Ae is iyakin!”

Napakamot ako sa aking batok ng makita ko si Eunecia na naibaba na ang hawak na lapis. Huminga ito ng malalim at tila ba pinipigilan na lamang ang sarili.

Naitikom ko ang aking bibig at nagpaplano na sanang tumayo para makalayo but I felt a hand stopping me from further moving.

Napalunok ako. Nang maibaling ko ang aking tingin at magtama ang aming mga mata ni Alexander. He was looking at me with so much intensity in his eyes na para bang kahit na anong sabihin niya ay kusa na lamang gagalaw ang aking katawan para sumunod sa kahit na anong gusto nito.

Katulad ng mga nakaraang araw, my heart beat started accelerating again. Hindi yata ako masasanay.

Lampas isang Linggo na kami sa mansyon pero ganoon pa rin. He holds on to me a lot kaya naman madalas akong asarin ng mga babae.

I don't even understand what's happening. It's like I am his personal companion or what. Hindi rin naman kami masyadong nag uusap.

Sleeping is still hard. Hindi naman kasi ako sanay ng may katabi but I always find myself waking up with me hugging him. Mabuti na lamang at hindi na rin niya ako iniinis tungkol sa bagay na iyon.

Noong minsan ay kinukulit ako nila Bobbie kung ano daw ang ginagawa namin ng kuya nila sa loob ng silid but thank God, Yelo came right on time. Sobrang takot sila sa kuya nila that they would stop teasing me when he's around. And that literally means almost all the time. Madalas ay nasa malapit lang ito at tila ba ayaw akong mawalay sa kanyang paningin. It's ridiculous actually. Akala mo talaga ay mayroon akong utang sa kanya na kailangan kong bayaran.

Was that because I slapped him too hard that night?

Nang muli akong mapayingin sa kanya ay pinagtaasan niya ako ng kilay at tila ba pinapaalala sa akin ang napagusapan namin kanina.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon