32

1.6K 99 54
                                    

"Ouch! Kuya! You are so annoying!” reklamo ko rito. Hinampas ko muna siya bago naglakad palayo.

“Fuckin' finally,” narinig ko pang bulong nito nang iwan ko ito sa kusina. He said he will be cooking. Dinayo ko pa sila rito sa condo niya. I heard ayaw ni Kuya na mag stay sa bahay nila for some reason.

Nilingon ko muna itong muli bago sinamaan ng tingin.

"Bakit mo ko pinitik? See, Xavi? Bad si Dad mo. Sakin ka na lang sumama. Madaming kids doon!" I crouched a little para magtagpo ang tingin naming aking pamangkin. He's been silent at napansin ko na hindi nito pinapansin ang ama. Bigla tuloy akong nakunsensya dahil sa huli kong sinabi.

I turned my attention back to my kuya and realized that he was looking at his son. Nakagat ko ang pang ibabang labi at bahagyang nalungkot. I heard that he only found out about Xavi noong umuwi ako rito. Akala ko talaga ay nagbibiro lang siya but he really is telling the truth!

My eyes drifted to where Xavi's Mom is. Nasa sala ito at may mga binabasang dokumento. Hindi ko alam kung malulungkot ako para kay kuya o magiging masaya dahil magkakasama sila. But looking at them now, I'm not sure I can classify them as a family, like a real family.

Muli ay binalingan ko ang aking pamangkin.

“Xavi, what do you want to do? Do you want us to go outside?” nakangiti kong tanong dito. He was playing with his hands at alam mong hindi mapakali. Umangat naman ang aking kilay ng bahagya itong umiling.

I was hoping he would tell me why ngunit bigla na lamang rin ako nitong tinalikuran at dumiretso sa kanyang ina.

My eyebrow raised even more when Xandria immediately put down the papers she was reading and paid attention to the kid. Nakangiti na rin ito at walang bahid ng kaseryosohan sa mukha.

She just look like any other parent watching over her child. Malayong malayo sa inaakala kong istrikto at sobrang calculated na tao. Because that's how I see her before.

Tumayo ako at dumiretsong muli kay Kuya na naghihiwa na ng sibuyas.

“Pangit,” I called him. Ni hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lamang sa ginagawa.

“Your child grew up so well,”

Hindi pa rin ito sumagot and I lean on the kitchen counter. Feeling ko kailangan kong mag behave kung hindi ay masasapok ako ni kuya.

“He's with his mom. Of course he'll be well.” Napasimangot naman ako.

“Sobrang rupok kuya. Lakas pa rin tama mo ah,”

Nilingon ako kaagad nito at masama na ang tingin. Lumayo ako kaagad dahil baka masapok nga talaga ako. Napailing din naman ito at natawa ng pagak.

I was about to say something again when I felt my phone vibrating. Mabilis ko itong nakuha mula sa bulsa ng suot kong pantalon.

A smile automatically escaped my lips when I saw a message from him.

I'll be outside in ten.

Nakagat ko kaagad ang panh ibabang labi at hindi na napigilan ang ngumiti.

Nalayo lang ako ng dalawang oras, heto at hanap na ako kaagad. Sino ngayon samin ang clingy?

“Nakakadiri yang ngiti mo, Arika. Bakit nakalabas ang gilagid? Ilang buwan pa lang pero para ka ng siraulo,”

I quickly typed a message bago ko nilingon si kuya.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon