Punyeta. May umaaway na sakin dahil ayaw kong magluto ng tanghalian ga't di ko to natatapos. Eto na mga mamser.
----
Sobrang labo, sobrang gulo. Litong lito ako sa nararamdaman but i was damn sure I was hurt. I can feel the stinging pain in my chest. Para akong nasusuka dahil sa pag ikot ng aking sikmura. Sa sobrang bigat ng aking pakiramdam ay gusto ko na lamang tumalikod muli at takasan ang kung anumang nakikita.I get it now. I like him. Kasi bakit ganito ang nararamdaman ko kung hindi?
Pero gusto lang naman, 'di ba? Hindi naman to love. Imposible, bakit sobra yatang bilis?
“You might wanna make another one,” Napalunok ako ng ngumuso ang babaeng kausap ni Yelo tungo sa aking direksyon so when he turned around and saw me standing there, I saw how visibly confused he was.
“Kanina ka pa gising?” bigla nitong tanong. I was startled when in a swift, he moved towards where I was. Nang tuluyang makalapit ay iniumang niya ang kanyang kamay para sana ako hawakan ngunit napaatras ako sa sobrang gulat. Kaagad kumunot ang noo nito at napahinto sa dapat sanang gagawin.
I was in so much pain that I wasn't sure I was ready to actually face him. Noong tinalikuran niya ako kanina, ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko.
Should I leave? I mean, habang maaga pa.
Our eyes met and there was this weird air surrounding us. We both knew that something was wrong.
Kitang kita ko kung paanong may dumaan na paagkalito sa kanyang mukha but it was so fast, I saw disappointment showing on his face next.
Dahan dahan niyang ibinaba ang kamay at walang lingon na tumalikod upang magtungo sa kusina.
Nakagat ko ang pang ibabang labi at hindi nakuhang pigilan ito. When I turn to the others, napansin ko na nag iwas kaagad si Bobbie ng tingin habang ang magandang babae naman ay napataas ng kilay. Para itong naiinis na kung ano. Dahil ba nilapitan ako ni Yelo?
Nagsimula itong kumain at may kung anong pait akong nalalasahan sa aking mga labi nang pumasok sa isipan ko kung sino ba ang may gawa noon.
Nang magsimula akong maglakad ay umalon ang aking sikmura ng magtama ang mga mata namin ni Grey. Or was it still her?
Bago pa ako makalapit sa mga ito ay nakita ko na namang naglalakad si Milan papalapit sa amin.
“Ininis mo na naman ba si kuya?" Tanong nito sa babae. “I told to mellow down a bit. He's still sulky about you changing his shower curtains to pink last time you went to him hiding from me,” anito bago inabot ang tubig rito.
I watch how he gently wiped the corner of her lips with a tissue on his hand.
"Drink first, baby. Marami pa sa kusina. Did you miss kuya's cooking that much? Nagseselos na 'ko ha,” kunwa'y malungkot nitong turan.
Halos malaglag ang panga ko sa narinig.
Wait. Baby?
Tila ba nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang tinuran ni Milan.
I'm confused.
Mukhang napansin naman ng babae ang pagkalito sa mukha ko kaya bigla itong nagsalita. “I never had the chance to introduce myself,” tumayo naman ito at lumapit sa akin. Walang ngiting nakapaskil sa kanyang labi, 'di tulad kanina noong kausap niya si Yelo.
Inilahad nito sa aking harapan ang kanyang palad. “I'm Dakota Elisse, Milan's soon-to-be wife, Andrea's older sister, and yeah,” alanganin itong ngumiti na tila sinusubok pa ang reaksyon ko. “Alexander's childhood friend,”
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romansa"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"