Nagkasundo kami ni Van sa tinginan lang tapos sinuportahan ko siya nang magteleport siya sa likod ng isang destroyer sabay baril samantalang nilagyan ko naman ng shield ang likuran niya at agad kong binaril ang destroyer na papatamaan sana siya. Si Sam ay nasa eri parin at nang magkaroon siya ng chance ay mabilis din niyang napatamaan ang dalawa pang natitira.
Nice. Shooter pala ang dalawang 'to.
Dagnas pawis kami nang matapos pero hindi pa man kami nakakapagsaya ay ramdam namin ang lakas ng yanig ng lupa. Napatingin kami sa itaas dahil unti-unting lumilom ang paligid. Para bang may kung anong tumatabon sa araw.
Wait. Ito ba ang sinasabi ni Evan kanina?
"Guys! Takbo!" Sigaw si Evan sa malayo at ginawa nga namin. Medyo nahihirapan kaming tumakbo kasi yumayanig ang lupa pero si Sam pa easy easy lang sa pag lipad. Sanaol talaga Sam!
Tama si Evan, spaceship nga! Pero bakit yumayanig ang lupa? Grabe naman ang training na to, parang totoo!
Tuloy lang kami sa pagtakbo pero parang hindi kami makaalis sa field na'to. Tanaw lang namin ang building pero parang hindi kami nakakalapit.
Sh*t. Nasa illusion nga kami.
Natigilan kami nang biglang may sumabog sa unahan namin at tumalsik si Evan sa amin. I look up at the spaceship and they are already aiming at us again. Mabuti nalang hindi natugpo si Evan!
"Tayo! Dali!" Tinulungan namin si Evan at tumakbo kami pabalik pero sa gulat namin ay napakadami na palang destroyer ang humahabol sa amin kanina.
Cornered na kami!
Bumaba sa tabi ko si Sam at ang mga destroyer ay tumigil sa di kalayuan. Tila ba inaabangan ang susunod na kilos namin.
"Ano na? Grabe naman ang test na 'to. Gusto ata tayong patayin ni Chan eh." Sam said while panting heavily.
"Ano Evan, nakikita mo na ba na mamamatay tayo dito?" Tanong ni Van pero imbes na makatanggap kami ng sagot ay tumawa lang siya.
"Eh training lang naman ito eh. Don't worry hindi tayo mamatay dito."
"Pero importante parin na matapos natin 'to." I said in serious tone at sumang-ayon naman sila.
"So, ano? Sugod na ba tayo? Harapan sa harapan?" Tanong ni Van and I nod. Tama, harapan sa harapan nalang.
"Sam, ikaw ang bahala sa spaceship." Utos ko.
"Para namang kaya natin ang mga destroyer na yan. Feeling ko isang hukbo sila!" Evan whispered-yelled.
"Tulad nga ng sabi mo, training lang naman 'to, mahalaga ginawa natin ang ating best para makasurvive. See yah nalang guys mamaya." Saad ni Van then he disappeared again.
"Hay naku, makaalis na nga din." Naiwan kami ni Evan nang lumipad na din si Sam patungo sa spaceship. Then bigla-bigla ay inatake na kami ng mga destroyer.
Evan and I fight back to back at sa wakas ay napindot na din niya ang baril na kanina'y walang kwenta.
"Erin sa kanan, shield." Mabilis naman ang reflexes ko kaya kahit maraming kalaban ay nakakausad kami. Hindi ko na alam kung nasaan yung dalawa. Ang maganda lang ngayon ay wala ng shield ang mga destroyer compared kanina na sobrang hirap patamaan.
Dinig na dinig ko ang malakas na paghingal ni Evan, kasalukuyan kaming nagtatago sa shield na ginawa ko kasi tinatadtad na kami ng bala.
"Bwisit parang hindi sila nauubos!" Nagulat kami nang biglang sumulpot sa harapan namin si Van. Hingal na hingal din siya at dagnas pawis na.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasyA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING