Chapter 31: The Sudden Meeting

55 2 0
                                    

Evan’s POV

The attention that we’re getting right now is too much, tila ba bawat subo ko ng pagkain ay pinapanuod nila. All of us are here in the cafeteria to eat our breakfast. But since kasama namin, sina Aiden, Azi at Rhez ay tila ba may mga kamerang nakasubaybay sa amin ngayon dahil sa mga titig ng mga estudyante.

“My god… nagsama-sama silang lahat ngayon.”

“Oo nga, mas malakas pa ang dating ng grupo nila kaysa kapag nagsasama-sama noon ang buong student’s council.”

“Kaya nga.”

“They look like legendaries diba? Ang angas ng dating.”

Ang dami naming naririnig na ibat-ibang bulungan pero parang wala lang yun kayna Aiden, Rhez at Azi. 

Nang dumako naman ang tingin ko kay Owen at Erin, tila ba normal lang ang lahat sa kanila habang kumakain, diba nagkaroon sila ng hot night kagabi???

Nang tumingin naman ako kay Sam ay biglang sumama ang mukha ko. Ang takaw talaga kumain ng babaeng ‘to. Pagkain lang talaga ang kayang magpatahimik sa kanya. I shakes my head as I watch her hanggang sa paluin ni Van ang likod niya.

“Ang baboy mo talaga kumain Sam, dahan-dahan nga!” saad ni Van na siyang dahilan para maubo si Sam.

Napailing na lang ulit ako, baka bukas-bukas magkatuluyan ang dalawang yan nang hindi namin namamalayan, parang aso’t pusa palagi e.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain nang biglang humaba ang leeg ni Erin na tila ba may nakita siyang kakilala.

“Hmm?” sinundan namin kung saan siya nakatingin pagkatapos nakita namin ang isang babae na kumakain mag-isa. Woah, I felt a goosebumps, napaka-familiar ng scene na ito sa amin.

“Parang nangyari na ‘to???” tanong ni Sam sa kanyang sarili.

“Oo nga?” pagsang-ayon naman ni Van habang nag-iisip hanggang sa mapatingin kaming lahat kay Azi.

“AHHH…” I clap my hands nang ma-realize ko kung bakit pamilyar.

“Katulad ito noong una nating nakita si Azi, diba mag-isa din siya noon kumakain?” saad ko at sumang-ayon sila.

“You’re watching me?” Azi curiously asks.

“Well… we’re just curious kung bakit ka mag-isa since mga baguhan pa kami dito noon,” sagot naman ni Erin.

“AHhh okay. Then what about that lone girl? Is she new here?”

“Hmm. She has this unique powers…” Erin replied while eating, “… I don’t know the specifics but… she has this imaginary friend,” pagpapatuloy niya.

“She still has an imaginary friend at this age?” may pagtatakang tanong ni Van.

“Well, Chan said that, I don’t know if she really has one or… just an invisible creature.” –Erin

“Wow, I want to befriend her, parang ang sarap niyang kasamang kumain,” saad naman ni Sam habang nakatingin sa mga pagkain nung newbie.

“Ang takaw mo talaga Sam,” bulong ni Van sabay baling kay Erin, “What’s her name?”

“June.”

“Mabuti pa si June kahit na matakaw maganda naman e ikaw???” pang-aasar ni Van kay Sam at akma siya nitong babatukan nang bigla siyang mawala.

Oh? Did he just teleport? To where?

“Look!” turo ni Owen sa kabilang lamesa. Nakita namin si Van na dun lumitaw kasama yung baguhan.

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon