Habang naglalakad kami sa gubat, kanina ko pa napapansin ang kakaibang appearance ng Healer, dahil ang suot niya ay parang naging kaisa siya ng mga halaman at puno dito sa gubat.
She’s wearing an all green fitted dress na parang may mga ugat-ugat na design pagkatapos ay nakasuot naman siya ng isang boots na dark green, napakahaba din ng itim at nanginginang niyang buhok.
“H’wag mo akong paka titigan,” nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng Healer. Nasa unahan ko kasi siya pero paano niya nalaman na kanina ko pa siya tinititigan?
Sandali siyang lumingon sa akin sabay nag-smirk, “Katulad ng ginawa mo kanina, kinontrol mo ang mga puno sa pamamagitan ng lupa, ngayon naman, pinakikiramdaman ko ikaw sa pamamagitan ng mga puno na nakakonekta sa lupa na siyang dinadaanan mo,” paliwanag niya kaya naman napatango ako. Parang nababasa niya ang nasa isip ko ah.
Napatikhim tuloy ako sabay kamot sa aking batok, samantalang kanina pa ako pinanlalakihan ng mata ni Sam. “Tanungin mo na,” bulong niya. Kanina pa siya atat na atat magtanong sa Healer tapos ako ang uutusan.
“Oo nga pala, b-bakit mo inatake si Aiden kanina?” tanong ko na siyang ikinatigil ng Healer, hindi siya lumingon sa amin, basta tumigil lang siya.
Pagkatapos ay biglang umiyak ng matinis ang halaman na hawak niya kaya napakapit kami sa aming tenga dahil sa ingay nito.
Hindi man lang siya naiingayan sa halaman na hawak niya. “Wag na wag mong babanggitin ang pangalan ng taong apoy na yun,” napalunok ako ng sunod-sunod dahil sa lamig ng kanyang tono.
Pakiramdam ko tuloy sa sobrang inis niya ay gusto niya din akong atakihin ng mga ugat.
Naramdaman ko na lang ang pagkalabit sa akin ni Evan sabay bulong, “H’wag muna tayong magtanong ng kung ano-ano, ang mahalaga madali natin siya kay Van,”
tumango na lang ako at sumunod nang muling maglakad ang Healer.Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating kami sa isang napakagandang falls.
“Wow…” manghang-mangha kami dahil sa napakagandang view at napakalawak na ilog. Nasa W pa rin ba kami? May ganitong lugar pala dito?
“Sumunod kayo.”
Sinundan namin siya hanggang sa may gilid ng talon at nalaman namin na may secret passageway pala sa likod nun.
Sobrang lakas ng pagbagsak ng tubig kaya wala kaming marinig kundi ang lagasa nito hanggang sa makapasok kami ng tuluyan sa isang kweba. Pero hindi siya ganun sa mga nakakatakot na cave dahil napakalinis ng loob.
Matagal na siguro siya dito para mapaganda niya ng ganito ang kweba, hindi madilim sa loob dahil kaliwat-kanan ang ilaw. Hindi siya basta porch lang kundi isang magical light na nanggaling sa puno, hindi ito nawawalan ng liwanag.
“Dito ka ba nakatira?” tanong ni Sam at matipid na tumango ang Healer pagkatapos ay inilagay niya ang dala-dala niyang halaman sa pinakagitna ng kweba.
Sa pinakgitna kasi ay mayroong bilog na batong lamesa at sa mga gilid-gilid naman ay may mga patungan ng mga iba pang gamit na makikita sa isang normal na bahay. Sa kaliwa at kanan naman namin ay may butas na tila ba pintuan, siguro kwarto ang mga iyon.
“Rhez, saan mo inilagay yung pana ko?” natigilan kami nang lumabas ang isang babae sa kaliwang butas ng kweba.
Kaya pala sobrang pamilyar ng boses niya. Nanlaki ang mga mata ni Azi nang makita niya kami at ganun din naman ako.
'Anong ginagawa niya dito?'“A-Azi?” tawag ko sa kanya. She was caught off guard in that moment pero nabawi niya din agad at bumalik sa dating cold aura niya.
'Ibig bang sabihin nito ay mag-kaibigan silang dalawa?'
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasyA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING