Chapter 33: The Other One

18 2 0
                                    

ERIN'S POV

Akala ko pa naman si V na ang pinaka maldita sa lahat ng student’s council, I can’t believe na may mas malala pa pala sa kanya.

“That b*tch…” I said out loud. Ilang minuto na ang nakalipas nang matapos ang meeting pero hindi pa rin ako umaalis dito sa Circle of Truth.

“…And they are all old, TOO OLD… I didn’t even know about that,” muli kong saad sa aking sarili.

Napabuntong hininga ako at napatingala, sobrang liwanag, tila ba ang bagal ng takbo ng oras dito sa Quadrangle.

Hmm… Napaub-ob ako sa lamesa at nag-isip, “Paano na lang kung masama ang maging resulta ng Trials???” ipinadyak ko ng paulit-ulit ang aking paa dahil sa pangamba.

Akala ko pa naman madali lang kapag nasabi ko na ang totoo, hindi ko ini-expect na masyadong maraming tututol.

‘What are you thinking?’ agad akong napaayos ng upo nang may boses na nagsalita sa aking isipan. I hurriedly look around pero wala namang tao.

“W-who’s there?” takot kong tanong.

‘You don’t recognize my voice?’ napakunot ako at para ngang pamilyar, pero hindi ko pa rin matukoy kung sino.

“S-sino ka?! You’re scaring me! M-magpakita ka!” sigaw ko. Hindi dapat takot pero nasasabi ko talaga kung anong nararamdaman ko. Shete na Circle of Truth!

I was about to leave the Circle at sa pagtalikod ko ay nakita ko yung lalaking katabi ko kanina.

“Oh My Gosh!” gulat kong sigaw sabay kapit sa aking dibdib.

He just laugh a little, “You’re too jumpy,” he commented tapos umupo siya dun sa respective seat niya kanina.

“Seat,” pagyaya niya kaya umupo ulit ako, “I’m sorry if V drag you into this, you must be surprised to meet all of us without a proper introduction,” paliwanag niya sa malumanay na tono.

“Hmmm,” I just smile awkwardly.

“I’m Carter by the way,” nakapag-handshake siya sa akin at malugod ko itong tinanggap, “I can communicate through mind, like what I did to you earlier…”

Ahhh... Napatango ako, “Kaya pala… a-akala ko may multo na nagparamdam sa akin dito,” pagbibiro ko pero hindi siya tumawa.”

“Multo? What’s that?” he asks curiously at nanlaki lang ang mga mata ko.

“He didn’t know about ghosts?” I asks out loud at napatakip naman ako sa aking bunganga.

Napatawa na naman siya. Nakakaninis itong Circle na ‘to!!!

“Yes Erin, I didn’t know what ghosts is… ano ba yun?” interesado niyang tanong.

“AHhh e, w-wala yun, h-hindi mo na kailangang malaman, it’s complicated…” saad ko habang umiiling.

“Ganun ba, anyway, I came back here because I want to give you this…” may inabot siyang folder sa akin, “That’s our profile. Para naman maintindihan mo ang bawat isa sa amin.”

Binuklat ko ang folder at una kong nakita yung babae kanina na halos makaaway ko na ng sabunutan. May naka-attach na picture tapos naka-state ang pangalan, power pati na rin ang age. Ganun din sa mga sumunod na members hanggang sa mabuklat ko ang kahulihan which is ang President position, si Chan… pero napakunot ang noo ko dahil kulang ang information niya.

“Bakit hindi nakalagay kung anong kapangyarihan ni Chan?” may pagtataka kong tanong.

Napatukod ang kanyang kanang siko sa lamesa at tumitig sa akin, “Hindi namin alam kung anong kapangyarihan niya,” mas lalo akong nagulat.

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon