VAN’S POV
Sobrang saya pa naman ng gising ko ngayong umaga, pero maba-bad trip lang pala ako bago pa kami makakain.
“Anong meron ngayon? Bakit punong-puno itong cafeteria?” tanong ko sabay alakbay sa akin ni Sam.
“Kaya nga, gutom na gutom na ako at wala halos vacant seat na kasya tayong anim,” saad niya at humaba ang leeg habang naghahanap ng vacant seat.
She’s right, pag ganitong gutom ako nakakabad trip talaga.
And speaking of anim lang kami ngayon, busy si Erin with the student’s council tapos si Aiden naman hindi namin mahagilap. Azi said na hayaan na lang namin kasi ganun daw yun, bigla na lang nawawala tapos susulpot kapag hindi namin hinahanap.
“There…” turo ni Azi habang nakatanaw sa malayo. I widen my eyes when I saw the vacant seat.
Agad kong kinapitan ang kamay ni Azi.
“No… wag dun please,” I pleaded at umiling ng paulit-ulit pero tinanggal lang niya ang pagkakakapit ko.
Sam hurriedly strangled my neck sabay kinutusan ang aking ulo, “Ay naku Vantot ka! Gutom na nga tayo tapos mag-iinarte ka pa!” binira niya ako habang nakapulupot ang kanyang braso sa aking leeg.
“S-sandali! B-bitawan mo muna ako!” I tapped her hand pero hindi siya nakinig kahit na nahihirapan na akong maglakad.
Then you left me no choice!
Ginamit ko ang aking kapangyarihan para makaalis sa pagkakalitik niya sa akin pero hindi na siya nagulat sa ginawa ko. Didilaan ko sana siya pero bigla niya akong tinampuyong.
“Cheater!” she growl at me nang mag-appear ako sa gilid niya.
Awch! Palagi na lang akong pinapalo ng babaeng yun! Nang mauna siya sa paglalakad ay umaasta akong papaluin ang kanyang ulo pero mabilis niyang naramdaman ang ginagawa ko kaya tumingin siya sa akin.
“Don’t you dare!” saad niya kaya dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay na nasa eri. Hehe, she caught me.
Nang marating namin ang vacant na lamesa ay dali-dali akong nagtago sa likod ni Sam.
“Can we seat here?” tanong ni Rhez dun sa babaeng nagpatalsik sa akin, what’s her name again? June?
Tumitig muna yung babae kay Rhez tapos kumurap kurap, then tumingin siya sa left side niya na wala namang tao. After a moment, muli siyang tumingin kay Rhez at tumango.
“Buti na lang dito ka umupo sa eight seater na lamesa,” masayang saad ni Sam sabay upo sa right side ni June tapos ako tumabi naman kay Sam.
Sa tabi ko naman si Evan tas sina Azi then Rhez, dun sa pang-walong bangko, well it looks empty but June’s imaginary friend is seating there.
Biglang nangilig ang katawan ko nang maalala ko ang nangyari sa akin, hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako ng goosebumps! Ramdam na ramdam ko talaga na may kumapit sa kuwelyo ko tapos tinapon ako sa malayo. Anong nilalang kaya ang imaginary friend niya???
“Van! Kunan mo ako ng foods dali!” tapik sa akin ni Sam kaya sinamaan ko siya ng tingin.
She just look at me, “Oh bakit may angal ka?”
“W-wala, kukuha na nga e,” agad akong tumayo kasabay ni Evan pero pinigilan siya ni Azi.
“Me too, get me some foods.”
“Ahhh, ano bang gusto mo?” –Evan
“Anything will do.”
“How about you Rhez?” –Evan
BINABASA MO ANG
Unknown University
ФэнтезиA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING