Inilibot kami ni Chan sa buong University sakay-sakay ng isang high tech air-type na sasakyan. Sobrang laki at lawak pala ng W at mayroon pang pinakamataas na building kung saan naroon daw ang arena sa pinakang tuktok. Ang base pala kung saan kami lumabas kanina ay isang underground facility nila dito. Nandun ang pinakang control room at office ni Tim.
Pagkatapos naming maglibot ay pinakita niya sa amin ang permanent room namin. Kumpleto na lahat ng gamit, nandun na din ang mga damit at karagdagang uniform na kailangan namin sa pang-araw-araw. Ibinigay na niya rin ang magiging schedule at info about Handler namin dito.
"And here's the favorite place of everyone." Magarbo niyang pagkasabi na para bang sobrang special ng cafeteria nila. Pero in fairness huh, mukha siyang mamahaling restaurant sa sobrang ganda at napakalawak pa.
Maraming tao ang kumakain sa loob at once na pumasok kami ay nakuha agad namin ang atensyon nila.
"Don't worry kung tumitig man sila, kapag tumagal kayo dito ay makikilala din nila kayo at h'wag kayo mahiya na makihalubilo kasi mababait naman silang lahat." Saad niya at feel ko naman na totoo ang sinasabi niya. Yung mga tingin kasi nila ay hindi nakakatakot or mapang-judge. Siguro sinusuri lang nila kami kasi mga bagong mukha.
"Libre ang lahat ng pagkain dito at unlimited din ang mga resources natin kaya feel free to choose anything you want, kailangan natin ng energy para sa training."
"Cool." Bulong ni Owen habang pinagmamasdan niya ang buong cafeteria.
"So, hanggang dito nalang ako." Pagpapaalam ni Chan. "Don't forget your schedule at yung card para may maipakita kayo sa Handler niyo." Sabay kaming tumango ni Owen at akmang aalis na sana siya nang magsalita ulit siya, "Ah, Owen, wag kang magtaka kung pagtinginan ka ng karamihan hah."
Huh? Ano namang ibig sabihin niya dun? Nasobrahan ba sa gwapo si Owen para pagtinginan? Or, baka naman alam nila na wala siyang kapangyarihan?
"Huh? Bakit? Sobrang gwapo ko ba?" Pabirong tanong nito na ikinatawa ni Chan habang umiiling.
"Maiintindihan mo din." Saad nito sabay alis ng hindi man lang nagpapaliwanag sa amin.
Weird.
Nang makahanap kami ng empty table ay naglakad kami patungo doon habang nag-iisip parin si Owen. "Di kaya, dahil sa wala akong powers? Alam na ba nila yun?"
"Hindi naman siguro. Ang sabi naman niya welcome na welcome ka dito. Gwapo ka lang talaga kaya paniguradong pagtitinginan ka nila."
"Ahhh, kung ganun tayo palang dalawa, kasi sobrang ganda mo din eh." Biglang nag-init ang mukha ko sa sinabi niya at kinilig din kahit na hindi ito ang first time na sabihan niya ako ng maganda.
Kahit naman naging close kami ay hindi niya binago ang pagiging friendly niya sa akin para lang makipag-flirt. Siguro ayaw niya na masira ang friendship na nabuo sa amin kaya naman hindi siya masyadong nagpahalata na gusto niya rin ako noong una palang.
May part sa puso ko na masayang nangyari to, kasi, hindi ko naman alam kung anong mangyayari kapag lumipat na naman ako ng lugar, siguradong hindi na kami magkikita nun.
"Ahh, ngayon ang lakas na ng loob mo na makipag-flirt sa akin."
"I'm just complementing you back, pero if you see it that way then I'm really flirting. And, don't forget na we just kissed earlier so I can flirt with you anytime I want."
"Ahh ganun." Naging confident yata siya ah.
"So, pwede na ba kitang tanungin ngayon?" Nakangisi lang siya sa akin at mukhang excited din pero lumingon-lingon ako sa paligid namin. Karamihan ay nakatingin parin pero parang balewala lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasyA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING