Chapter 18: The Request

52 3 0
                                    

Kinabukasan

“Talaga?!” napasigaw si Sam dahil  ikinuwento namin ni Owen ang nangyari kagabi.

“Kung ganun, si Azi ang leader nila?” tanong naman ni Evan.

“I didn’t say na si Azi ang leader, basta ang alam ko lang, naniniwala si Rhez at Aiden sa kanya,” paliwanag ko.

“I think, magkakaibigan sila noon, bago pa man mangyari ang aksidente na ginawa ni Aiden,” dugtong pa ni Owen.

“Oo nga, sa palagay ko may pagkakapareho ang nangyari kay Aiden noon at kay Yuki,” saad naman ni Evan sabay ayos ng kanyang salamin.

“Sooo…ano nang gagawin natin ngayon?” –Sam

“Well try to convince them to join us, sa pagkakaalam ko wala pa silang grupo, sa tingin ko naman ay papayag si Kate na sumali sila, katulad ni Aiden,” saad ko at tumango naman sila.

“Okay, sounds like a plan, pero paano natin sila makukumbinsi eh diba magkagalit sina Aiden at Rhez, naku, hinding-hindi yun papayag,” banat ni Sam habang nakasimangot.

“Susubukan kong kausapin si Azi… sa tingin ko malaki ang chance natin sa kanya,” I confidently said at lahat sila ay ngumiti sa akin.

“Iba talaga ang Blue level ah…malakasin,” tinapik-tapik pa ako ni Sam sa balikat pero napatigil siya na para bang may naalala, “Wait lang, alam na ba ni Aiden ang plano?” tanong niya pero sabay kaming umiling ni Owen.

“He’s still unconscious nang tingnan namin siya kanina, sasabihin ko sa kanya kapag maayos na ang pakiramdam niya,” may pag-aalala kong saad.

“Okay, sa ngayon kailangan natin ng extension para sa Beast Mission natin, siguro naman papayagan tayo dahil nagpapagaling pa rin si Van, ganun na rin si Aiden,” paliwang ni Evan at sumang-ayon kami sa kanya.

“Okay then, puntahan muna natin sa clinic si Van para ipaalam ang plano natin,” pagyayaya ni Owen at mabilis na tumayo si Sam.

“Okay okay let’s go na!” -Sam

Hay naku, excited na naman siyang makipagkulitan kay Van.

Sumunod kami sa kanya ng tahimik. Medyo malayo ang clinic kaya mga ilang minuto din kaming naglakad.

Pagkapasok na pagkapasok ay nakita namin si Kate na kinakausap si Van, mukhang magaling na talaga siya ngayon.

Agad kaming nag-bow sa aming Handler na tinugunan niya ng ngiti, “Ang sabi ng doctor pwede nang makalabas si Van mamayang hapon,” paliwanag niya na siyang ikinatuwa namin. Tumalon-talon pa nga si Sam sabay hampas sa braso ni Van.

“Sa wakas! May kahambugan na naman ako!” saad pa nito pero ngumiwi lang si Van na para bang ayaw sumang-ayon.

“Anong kahambugan? Para ka talagang bata nakakahiya ka…” sagot ni Van habang tinutulak si Sam papalayo sa kanya.

“Wow naman, nakaisang araw ka lang dito sa clinic good boy kana agad? So hindi ka na magte-teleport para iwan kami?”

“Magte-teleport ako para tumawag ng tulong.” –Van

“Labas sa ilong yang sinasabi mo!” –Sam

Napailing na lang kami habang pinapanuod silang dalawa na magtalo. Kahit kailan talaga, tsked.

“Oo nga pala, h-hindi ba dito pupunta ang Healer?” tanong ni Van habang humahaba ang leeg habang nakaabang ng tingin sa may pintuan.

“At bakit naman eh magaling kana? Buti nga at ginamot ka pa niya eh, dapat pasalamatan mo kami, ang layo kaya ng nilakad namin para lang sunduin ang masungit na manggagamot na yun,” malakas na pagkasabi ni Sam sabay binatukan si Van.

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon