Chapter 14: Lightning Guy

298 7 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay sinusundan ko parin siya kahit na ilang beses na niya akong tinanggihan. Halos mawala na ang boses ko kakasalita para lang mapapayag siya na tulungan kami. Ni ayaw niyang sabihin kung bakit ayaw niya. Hindi man lang din sinasabi kung anong mayron sa task.

"Aiden! San ka ba pupunta!" Tanong ko nang makarating na kami sa isang gubat. Hindi ko ini-expect na may gubat pala dito. Ano naman ang gagawin niya dito?

Oh my gosh! Baka may balak siyang patayin ako dito!

"Aiden ano ba! Babalik na ako sa school!"

Napatigil siya sa paglalakad sa di kalayuan at lumingon sa akin. "Sinabi ko bang sumunod ka? Edi bumalik kana."

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!"

Bumalik siya sa akin habang nakangiti ng nakakaloko, akala yata ay matatakot pa niya ako sa ngiti na ganun. "Anong ginagawa ko dito?" Tanong din niya at luminga-linga sa paligid. "Sa tingin mo, anong ginagawa ng mga katulad ko sa lugar na ito? Walang katao-tao, ikaw at ako lang, lalaki ako at babae ka, sa tingin mo anong ginagawa ng mga katulad kong mamamatay tao sa sumusunod sa akin?" Napaatras ako dahil sa tono ng pananalita niya.

Shete tinatakot na naman niya ako.

"At akala mo naman ay matatakot ako sayo!" Tumawa lang siya at patuloy na humakbang papalapit sa akin habang ako ay umaatras. Buisit talaga. Kanina lang ay maayos pa siyang kausap pero ngayon ay pinagtitripan na naman niya ako.

Biglang sumeryoso ang mukha niya at naramdaman ko nalang ang pag-init ng paligid.

Seryoso ba talaga siya?!

I readied myself if ever na aatake talaga siya pero natigil ako sa aking pag-atras nang tumama ang likod ko sa isang puno. Bigla siyang ngumiti at dali-daling inilagay ang kanyang mga kamay sa pagitan ng ulo ko.

I gulp twice habang nakatingala ako sa kanya, ngayon ko lang napansin na mas matangkad pala siya kay Owen. Hindi ko napansin noong una kasi akala ko talaga na siya si Owen.

"Bakit ba pinipilit mo ako sa task na ayaw ko?"

"B-because, w-we're in one group, d-dapat lang magtulugan tayo." I stuttered a lot but he keeps on staring at me.

"I'll help, in one condition."

"A-ano?" Tanong ko at kahit papaano'y nabuhayan ako. Sana naman madali lang ang kondisyon niya.

Tumingin siya sa kaliwa sabay turo sa kanan niyang pisngi, "Give me a kiss."

Agad kong tinulak ang pisngi niya papalayo sa akin dahil sa inis. Ang kapal talaga ng mukha!

"Bakit naman kita iki-kiss?! Ayoko nga! I-kiss mo yang mukha mo!" Sigaw ko sabay alis.

Akala yata niya ay mahuhulog ako sa bitag niya. Kung ayaw niya edi wag na talaga! Hinding-hindi ko na siya pipilitin, I promise!

Bumalik na ako sa school at hindi niya ako sinundan, medyo curious parin ako kung anong ginagawa niya sa lugar na yun.

Habang naglalakad ay napansin kong nagtatakbuhan ang mga estudyante kaya naman tumakbo na din ako upang alamin kung anong nangyayari.

"Bakit kayo nagtatakbuhan? Anong nangyayari?" Tanong ko sa isang estudyante na mukhang takot na takot.

"Mayroong nagwawala na estudyante sa Dome at marami na siyang napatay." Saad nito sabay takbo ulit.

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon