"Miss Ortiz," Malamig na boses ang tumawag sa akin mula sa aming likuran habang hinihintay namin ang sagot ni Aiden. Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si Phil, yung blonde na lalaki.
"B-bakit kaya siya nandito?" Bulong ni Sam sa tabi ko.
Napakunot ako ng noo nang makita ang lalaki sabay lumapit siya sa akin. Ang mga estudyanteng nakapaligid ay nag-aabang lang sa mga mangyayari ngunit ang iba ay nagsi-alisan na.
Bahagyang tumingin muna siya sa mga kasamahan ko bago ako tingnan ng tuluyan. "Ipinapatawag ka ni Tim." I gulp an imaginary lump nang tumindig ang balahibo ko sa sobrang seryoso niya.
May nagawa ba ako? Oh my gosh dahil ba napalakas ang gamit ko sa kapangyarihan kanina?
"B-bakit daw?" I asked while stuttering but he plastered a sly smile na hindi ko mawari kung maganda bang indikasyon yun o hindi.
"He just wants to talk to you. Please follow me." Kalmado naman ang tono niya pero bakit ramdam kong may kakaiba? Inilahad niya ang kanyang kamay sa daanan upang ako ang mauna pero biglang nagsalita si Aiden kaya napatigil ako.
"Sandali lang, sasama ako." Seryoso nitong pagkasabi sabay nilampasan ako pero naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang aking kamay dahilan upang mabira niya ako. I want to pull out my hand pero di ko magawa kasi sobrang higpit ng kapit niya.
Anong naisipan nito at gustong sumama? May pakapit-kapit pa, feeling close?
Phil is tailing us silently hanggang sa makarating kami sa air-type na sasakyan. Tahimik lang kami sa loob at mabuti nalang binitawan na ni Aiden ang kamay ko nang makaupo kami.
Gusto ko sanang magtanong pa kay Phil but I chose to stay silent hanggang sa makarating kami sa base. Kahit na nanggaling na ako dito ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa technologies nila. Nadatnan namin si Tim na nakaupo sa bilog na lamesa at tila ba kanina pa naghihintay sa akin.
Napataas ang isang kilay niya nang makita si Aiden pero ngumiti din naman ito agad. Sinenyasan niya si Phil na iwan na kami then he let us sit parallel to him. "I didn't expect that you will come here Aiden. As far as I know, ang Base ang pinaka ayaw mo na part ng school." Tim said with a wry smile. Aiden scoff, leaning his back on the chair comfortably. Nararamdaman ko ang tension sa pagitan nilang dalawa. At dahil sa past ni Aiden ay naiintindihan ko kung bakit ganito si Tim sa kanya.
"Tama ka, pinaka ayaw ko nga ang lugar na to kung saan naglulungga ang batang katulad mo." Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala sa inasal niya kaya tinitigan ko siya nga masama ngunit ang atensyon niya ay nakatuon parin kay Tim.
"Kung ganun bakit nandito ka ngayong si Erin lang naman ang ipinatawag ko?"
"If you called for her because of the quake earlier, then it's not her fault--it's mine." Pinagkrus ni Tim ang kanyang mga braso na para bang iniintinding mabuti ang sinabi ni Aiden. Maging ako ay naguguluhan kung bakit niya inaako ang kasalanan. Kanina lang gustong-gusto niya akong asarin but now he's acting protective? Ewan ko lang huh pero ako naman talaga ang may kasalanan bakit niya pa dinawit ang sarili niya?
"Hmm." Tim hummed with a big smile then he look at me with full of amusement. Ano kayang iniisip nito para ngumiti ng ganito?
"Does it mean you are trying to make a big mess again, Aiden?" Bigla akong kinabahan sa tanong ni Tim kaya mabilis ako tumutol pero mas lalo akong nagulat nang sabay kaming sumagot.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasíaA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING