Pagkatapos kong ma-encounter si Azi at Aiden ay agad ko itong kinuwento sa aking mga kasamahan bago kami magsitulog. Nagtambay kasi kami sa kwarto ni Owen para naman hindi siya nabo-bored at masaya ako na tuluyan na siyang magaling, effective talaga yung mga gamot na iniinom niya.
Hindi sila makapaniwala sa nangyari sa akin lalong-lalo na si Owen. May kamukha lang naman siya at napagkamalan ko pa. Ayaw na niya tuloy humiwalay sa amin dahil baka kung ano daw ang gawin sa akin ni Aiden.
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko na naman ang lalaking yun, wag niya lang kaming guguluhin dahil sa pagkakamali ko kung hindi ay ibabaon ko siya sa lupa.
Pinilit kong makatulog nang gabing yun kahit na sobrang daming tumatakbo sa isip ko.
Kinaumagahan nang lumabas ako ng aking kwarto ay tumambad sa akin si Owen na bihis na bihis na din, suot ang aming uniform.
"Good morning." Masigla niyang bati. Ngumiti ako ng pagkalaki-laki dahil nasilayan ko na naman ang gwapo niyang mukha ngayong umaga.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" I asked full of concern.
"Oo naman." Sagot niya sabay tumalon-talon pa upang ipakita na ayos na talaga siya.
"Tara na baka naghihintay na yung mga bata sa baba." Binira ko siya habang natatawa dahil sa sinabi ko. Totoo naman ah, mas lamang pa ang pagiging isip bata ng tatlong yun kaysa sa pagiging mature, well maliban nalang siguro kay Evan na palaging seryoso.
Nang makababa kami ay nakita namin sila na ready to go na. We went at the cafeteria pero di tulad ng dati ay kaunti na ang kumakain dito.
"Woah, bakit parang naubos ang tao dito?" Tanong ni Owen.
"Alam mo na, yung sinasabi namin sayo na taong apoy na kamukha mo. Ganito ang epekto niya dito." I said at napatango siya habang pinagmamasdan ang kakaunting estudyante. Dumeretso kami sa dati naming pwesto nang makakuha kami ng kanya-kanyang pagkain.
Di pa man kami nakakatapos nang mapansin kong napatulala si Van sa likuran ko habang ang kutsara ay hindi na naituloy na isubo sa kanyang bibig. Lumingon ako at nakita ko na papasok dito si Aiden. Shaks! Bat ang aga nyan dito?! Nakita na din ng mga kasamahan ko si Aiden at natulala din sila.
Please wag mo kaming pansinin. Wag mo kaming pansinin. Pagdadasal ko sa aking isipan, sana hindi niya ako makita. "E-Erin. Nakatingin siya dito sa atin." Bulong ni Sam kaya naman agad kong tinabig ang mukha niya upang ilayo ang kanyang tingin sa lalaking yun. Baka lalo kaming mahalata.
Sana kalimutan na niya ang nangyari kahapon. Please lang please.
"P-papalapit din siya dito." Saad naman ni Van na di parin nasusubo ang kanyang pagkain. Napalunok ako ng derederetso pero naramdaman ko ang mainit na kamay ni Owen sa balikat ko.
"It's okay Erin, nandito naman kami. Huwag mo na lang siyang pansinin kapag ginulo ka." Mahinahon niyang pagkasabi. Nagpatuloy kami sa pagkain na para bang hindi inaalala si Aiden.
Maya-maya pa ay naramdaman nalang namin na para bang uminit ang paligid. Nakatingin silang apat sa likuran ko na para bang nakakita ng multo.
"N-nasa likod ko siya, tama ba?" Tanong ko at sabay-sabay naman silang tumango.
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko na naman ang nakakaloko niyang ngisi.
"I'm right, it's really you." Saad nito sabay tapik sa balikat ni Sam upang palipatin ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Evan. Wala siyang nagawa kundi sumunod at tahimik na inilipat ang kanyang pagkain. Wala kaming kaimik-imik hanggang sa makaupo siya sa tabi ko, ni hindi niya tiningnan ang mga kasama ko kundi ako lang. Akala ko pa naman maku-curious siya kapag nakita niya si Owen pero parang wala siyang pakialam dito.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasyA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING