Chapter 39: The Enemy

22 2 0
                                    

CHAN’S POV

“S-sino ka? Nasang lugar ako?”

Ngumiti lang ang isang batang lalaki sa akin at inalalayan akong makatayo, “Just call me Tim,” sagot niya at inabutan ako ng tubig.

“Tim? Ikaw ba ang gumawa ng portal na humigop sa akin?”

“Ganun na nga.”

“Bakit mo ako dinala dito? Anong lugar ba ito?”

Bumuntong hininga lang siya at niyaya akong sumunod, I followed him silently hanggang sa makalabas kami at sobra akong namangha sa aking nakita sa labas. Tila ba napunta ako sa isang paraiso.

“A-anong lugar ito? N-nananaginip ba ako?”

“I’m the one who created this place.”

“Huh? Nagbibiro ka lang ba? Ibig sabihin, isa ka bang Diyos?” bigla lang siyang natawa dahil sa tanong ko sabay iling.

“I’m just someone like you, Chan.”

“Teka, papano mo nalaman ang pangalan ko? At saka… anong ibig mong sabihin sa someone like me? Don’t tell me, a-alam mo ang sekreto ko?”

“Ganun na nga.”

Napatakip ako sa aking bibig, “I also have powers like you, hindi lang nga tayo magkatulad ng kapangyarihan na taglay.”

“Talaga? Hindi ako makapaniwala, a-akala ko, nag-iisa lang ako.”

“You’re wrong, napakarami pa ng mga katulad natin, at susunod na mga panahon, hindi na ligtas ang mundong gagalawan natin.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Do you trust me, Chan?”

Hindi agad ako nakasagot, ngayon ko lang siya nakilala, at hindi ko nga alam kung totoo itong nangyayari.

“Alam ko na naguguluhan ka pa, pero kapag nagtiwala ka sa akin, maiintindihan mo din ang lahat.”

“Kung ganun, sa ngayon, paniniwalan kita.”

He smiled again, ang mga ngiti niya ang rason kung bakit ako nag-stay dito kahit hindi ko naman naranasan na habulin ng mga Destroyer. He just chose me that time.

“Then from now on, I will appoint you as the President of this place.”

“Huh?! P-president? Ilan ba ang population dito?”

“I mean, presidente katulad ng isang school, o ng isang university, ikaw na ang bahala kung anong gusto mong itawag.”

“University, ang ibig mo bang sabihin, eskwelahan ng mga katulad nating may kapangyarihan?”

“Ganun na nga.”

“Nice! Kailan ako magsisimula?” excited kong tanong. Parang sa pelikula lang.

Pero bigla siyang natigilan,“Sa ngayon… ang mga kasamahan ko palang ang nandito, as for the students… we just need to save them at the right time.”

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon