Parang kanina lang sobrang liwanag pa dito sa W pero hindi namin namalayan na gabi na pala. Hindi siya ganun kadilim kahit na wala kaming nakikitang buwan. Tila ba ay sadyang kumikinang ang lugar upang tanglawan ang buong paligid.
Ang ganda talaga dito. I'm currently at the garden malapit sa building kung nasaan ang kwarto namin, nalaman ko din na nasa same building din pala yung mga kasamahan namin kanina. Di sila sumama kasi sobrang antok na daw nila samantalang ako ay mulat na mulat parin hanggang ngayon.
Hindi ako makaramdan ng antok dahil nakatulog kami ni Owen kanina. Speaking of him, sabi niya kukuha lang siya ng midnight snack namin at hanggang ngayon ay hindi parin siya bumabalik. Ang layo naman kasi ng cafeteria.
Imbis na isipin ko kung ano ang nakita ni Evan sa kanya ay naguguluhan parin ako kung anong ibig sabihin ni Erick kanina bago niya kami iwan. Kinausap niya kasi ako privately at sabi niya ay kailangan kong mag-ingat sa bawat ikinikilos ko, especially daw kay Owen. Hindi ko siya maintindihan kaya nagalit ako sa kanya pero hindi niya ako binigyan ng further explanation. Nakakainis nga. Basta iniwan niya akong walang kaalam-alam sa tinutukoy niya.
Hindi naman niya kilala si Owen but the way he said it feels surreal. Tumindig nga ang mga balahibo ko sa batok.
Napabuntong hininga nalang ako at tumitig sa kakaibang red rose na napapalibutan ng fireflies.
"Here I am." Tumingin ako sa aking likuran nang marinig ko ang masayang boses ni Owen dala-dala ang snacks namin. Meron ding drinks.
"Thanks." Kinuha ko ang mga inaabot niyang pagkain then he seated beside me.
"Are you sure na hindi ka parin inaantok?" He asked but I just shakes my head as a response kasi I'm already sipping from my juice. Nagkaroon ng matinding katahimikan nang walang magsalita sa aming dalawa. Tahimik lang kaming kumakain habang pinapanuod namin ang naggagandahang fireflies na pumapalibot sa bawat rosas.
I'm actually thankful na hindi niya dinamdam ang aksidenting pagpunta dito. Alam ko na may family siya sa mundo namin but the way he takes all of this is so calm. Alam ko na deep inside ay may pag-aalinlangan din siya at di ko maiwasan na kada minuto ay iniisip ko ang kanyang kalagayan dito.
"Do you miss home?" Mahina kong tanong ng hindi lumilingon sa kanya then I heard him chuckled.
"If I said that you're my home, will I sound corny?"
Yes you are. Corny talaga. But it made me smile. Masaya ako dahil pinakikilig niya ako ng ganito. I want to say na this is the good chance para tanungin niya ako pero I don't want to sound desperate. Atleast nang dumating kami dito ay mas naging open kami sa feelings namin.
"Mukhang sobrang lalim ng iniisip mo, may problema ba?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya.
May problema nga ba? Hanggang ngayon naiinis parin ako sa sinabi ni Erick. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa. Hindi ko naman iyon mabanggit kay Owen. Ang hirap ng ganito, may problema nga talaga ako, sobrang laki. Kailangan kong makausap ulit si Erick.
"Nothing, siguro, naho-homesick lang ako. I should be used to this kasi palagi naman akong lumilipat ng lugar dati pero, iba kasi ngayon. This place, this is where I belong. Nandito ang mga katulad ko. Thinking that you'll depart soon makes me sad." I said making an alibi which it's all true. Nalulungkot talaga ako kapag naiisip kong aalis din siya dito. But I know the time will come, if fate allow us, then we will meet again.
He scoot closer at ramdam ko ang kamay na sa balikat ko. I can feel his warmth sending comfort to me. I don't want to think anything else about him. All I know is that, he's the person I like.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasíaA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING