Nag-line up na din si Aiden sa tabi ni Van na kitang-kita ko ang paglunok sa kaba. Sana lang maging maayos ang lahat. Wag lang talaga siya gagawa ng malaking gulo.
"Okay class, as what I am saying, kailangan niyong magtulungan bilang team. Mahalaga ang mga buhay niyo kaysa sa mga destroyer kaya wag kayo magdadalawang isip na umatras kung alam niyong wala kayong laban. Alam naman natin na ang mga Destroyer ay walang special ability ngunit mayroon silang malakas na armas na kayang tumbasan ang ating mga kapangyarihan."
May kinuha siyang isang puting card sa kanyang bulsa, "Bibigyan ko kayo ng magiging task ninyo sa looban ng linggong ito, hindi ninyo ito matatapos kung hindi kayo magkakaisa." Saad nito at bahagyang lumingon kay Aiden.
Iniabot niya sa akin ang card at nakita ko na isa itong guide sa mission namin. "Yan ang magiging instructions niyo para matapos ang task. Wala akong pakialam kung ano mang strategy ang gawin niyo basta matapos niyo lang ito. Kung ano man ang matuklasan niyo sa task, ay huwag kayong matakot o magduda." Saad niya sabay tingin na naman kay Aiden na para bang may gustong iparating. "Sa ngayon ay iiwan ko na kayo para mapag-usapan ang task. Hindi ko na muna kayo imi-meet hanggang matapos ninyo ito. Good luck."
Umalis siya at iniwan kami sa field. Nagkumpol-kumpol kami pero hindi lumapit si Aiden. Tinitigan namin siya ng matagal kaya lumapit na din pero mabilis niyang nahablot ang card sa kamay ko. Bigla akong nagulat sa ginawa niya pero nakita kong sumeryoso ang kanyang hitsura nang makita ang nakasulat.
"A-anong task?" Tanong namin pero bigla niya itong ibinalik sa kamay ko ng pagalit. "Hindi ko gagawin, kayo nalang." Saad niya sabay alis. Bakit ayaw niya?
Agad naming tiningnan ang nakasulat kung bakit bigla siyang nagalit sa nabasa.
Tame the Beast
*Go to the registration office to register your task*
*Go to the Dungeon*
*Avoid the Caution*
*Convince the Beast to be good*
*Go back to the registration office to file a mission failed or not*Anong klaseng task ito? Mission failed talaga ang nauna, hindi ba pwedeng mission completed or not?
Pakiramdam ko'y sobrang hirap nito. Tame the beast? At ngayon lang namin nalaman na may dungeon din pala dito. Nagkatinginan kaming apat at agad naming hinabol si Aiden na papalayo na. Kailangan namin siya sa task na ito. Matagal na siya dito kaya paniguradong marami siyang alam.
"Aiden! Sandali!" Sigaw ko pero hindi siya tumigil sa paglalakad. Nang maabutan namin siya ay humarang kami kaya tumigil naman siya at tumitig sa amin. Ramdam ko parin ang takot ng mga kasamahan ko pero pinipilit nilang hindi magpahalata.
"Hindi pwedeng ayaw mo 'tong gawin. Isa na tayong team ngayon at dapat lang na magtulungan tayo." I said in serious tone para naman maniwala siya but I saw him smirk at me.
"Kapag sinabi kong ayaw ko, hindi na magbabago yun." Seryoso niya ding sabi at iniwan na naman kami. Geez. Nakakatakot siya kapag seryoso.
"Hindi to pwede." Saad naman ni Sam habang nakatingin kay Aiden na papalayo.
"Don't worry guys, we still have 4 days bago matapos ang linggong ito. We need to convince him for those three days then we will execute our plan in taming the beast at the fourth day." Paliwanag ni Evan habang nakatanaw din kay Aiden.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasiaA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING