Nagtiyaga akong buhatin si Owen kahit na napakabigat niya, he’s still unconscious at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang aking lakas.
“I swear Aiden, sa sunod na mawawalan ka na naman ng malay, hindi na kita bubuhatin, iiwanan na lang kita!” sigaw ko dahil sa sobrang bigat niya, hanggang sa makalabas kami ng gubat. Laking gulat ko na lang nang makita ko si Owen na nakabantay.
“What happened to him?” mabilis at may pag-aalala niyang tanong at agad din akong tinulungan.
“May sugat siya sa braso dahil sa pag-atake ng healer, I think it’s infected,” paliwanag ko.
Honestly, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Owen didn’t ask anything, and I can’t even read what’s running in his mind. I don't even know why he's here!
“Dalhin natin siya sa clinic,” he said pero natigilan ako.
“Wait,” he look at me with confuse look, “Bakit?”
“Dalhin na lang natin siya kay Rhez,” I suggested pero mas lalong kumunot ang noo niya.
“You just said na dahil kay Rhez kaya wala siyang malay ngayon, tapos gusto mo siyang dalhin dun?”
“Rhez is a healer.”
“I know! Pero hindi sila magkasundo diba?” medyo tumaas ang boses ni Owen kaya hindi agad ako nakasagot.
Napatitig lang siya sa akin sabay buntong hininga, “Fine, I’m sorry okay. If that's what you want then, let’s bring him to the healer.”
I didn’t manage to reply kasi naglakad na siya at syempre nakaladkad ako ng konti kasi yung isang kamay ni Aiden ay nasa kabilang balikat ko, pinag-uusungan namin siya.
Nang marating namin ang building nina Rhez at Azi ay dumeretso kami sa kwarto niya. Paano namin nalaman kung saang building? Syempre naman, siya lang naman ang usap-usapan dito sa buong university, kahit saan kami magpunta puro Rhez ang naririnig namin.
Nagkatinginan muna kami ni Owen bago siya kumatok sa pinto. After a few knocks, hindi bumukas ang pinto, “Siguro tulog na siya?” tanong ni Owen.
“It’s still early, baka naman wala pa siya dito?” saad ko.
“Should we just go to the clinic?” pero ang layo ng clinic mula rito!
“EHEM!” pareho kaming napalingon sa kabilang kwarto at nagulat kami nang makita namin dun si Rhez, kasunod na lumabas ay si Azi.
Okay, siguro nga alam namin na dito ang kwarto ni Rhez pero hindi ko alam na magkatabi lang pala ang kwarto nila.
“R-Rhez…” mahina kong tawag. She crossed her arms at itinaas ang kanyang kaliwang kilay, “Anong ginagawa niyo dito?”
“Please heal him, nasugatan siya nang atakihin mo siya,” paliwanag ko pero hindi man lang niya pinasadahan ng tingin si Aiden.
“Ahhh, bakit hindi niyo na lang siya hayaang mamatay?” she sarcastically replied.
I creased my forehead, I'm about to say something pero naunahan ako ni Owen, “You’re a healer, do your job!” malakas niyang pagkasabi kaya nabaling ang atensyon ni Rhez sa kanya.
“Ahhh, another Aiden here. If I were you, hindi ko ipapakita ang pagmumukha mo sa akin. The moment that I spot you in place, I’ll make sure na hindi lang ganyang galos ang makukuha mo.”
Is that a real threat???
“Rhez, please, kung ano man ang naging alitan niyo noon ay kalimutan mo na muna, buhay ang nakasalalay dito, isa pa, infected na ang sugat niya. I know ikaw lang ang makakagamot sa kanya," I pleaded pero hindi man lang nagbago ang kanyang expression.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantastikA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING