Chapter 13.1: Resistance (Part 1)

288 8 0
                                    

We decided na ako nalang ang maghatid kay Owen sa training room niya dahil bigla siyang natahimik sa pagkain namin kanina. Ang mga kasamahan naman namin ay hinahanap si Aiden. Ayaw pa nga nilang hindi ako kasama but Owen and I need some privacy kaya pumayag na din sila.

"Kanina ka pa tahimik ah?" I said that breaks the silence between us.

"Nothing." He replied in weak tone. Alam kong about kay Aiden kung bakit siya nagkakaganito, but I want to assure him na siya lang ang gusto ko.

"Is this about Aiden? Kasi, wala ka naman dapat ipag-alala." Tumingin siya sa akin ng may lungkot sa mga mata kaya nasaktan ako. Ayaw ko siya nakikitang ganito.

"Just--be safe around him okay?" He said in hesitation. Para namang hindi yun ang gusto niyang sabihin. I just nod at him at hinawakan ang kamay niya.

"Don't worry about him. I promise walang mangyayaring masama sa akin. At yung task, I will do my best para matapos yun."

"You know you don't have to push yourself doing that."

"Hmm. Pero para sa amin din naman yun. Para mas matuto kami. At malakas ang kutob ko na may mahalaga kaming matutuklasan sa task." He plastered a weak smile at me and let out a soft sigh. Tumango siya at hinigpitan ang kapit sa aking kamay, "Fine, I trust you and--I like you so much Erin." I can't help but to smile up to my ears. Kinikilig na naman ako sa tuwa.

"Hmm. Sige na, pasok kana."

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya, pagkatapos ay naglibot na ako upang hanapin si Aiden at ang mga kasamahan ko.

Hindi pa man ako nakakalayo nang biglang sumulpot ang taong apoy sa harapan ko. Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang gulat samantalang siya ay tuwang-tuwag sa reaksiyon ko.

"Ba't bigla-bigla ka nalang sumusulpot. Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. Sumandal siya sa pader at umiling. Nawala ang mga ngiti niya sa labi at sumeryoso na naman ang hitsura niya.

"I should be the one asking that. Sabihin mo sa mga kasamahan mo na wag akong sundan, kung hindi ay susunugin ko sila ng sabay-sabay."

"Seryoso ka ba? Kung ganun bakit ka pumayag na isama sa grupo namin kung ayaw mo din namang tumulong?"

Hindi siya sumagot at natahimik sandali. "Please, kailangan ka namin sa task. Alam kong may alam ka tungkol dun." Pagmamakaawa ko na.

"Sinabi ko na sa inyo diba, hindi ko gagawin. Kaya wag niyo na akong guluhin tungkol sa task." Tsked! Sobrang tigas ng loob ng isang 'to. Hindi man lang mapaki-usapan!

"Sige! Pag hindi mo kami tinulungan malalagot ka!" Sigaw ko nang bahagya na siyang tumalikod kaya naman natigilan siya at humarap ulit sa akin.

"Bakit anong gagawin mo? Aamuin mo din ba ako tulad ng ginagawa mo kay Owen?"

Napairap ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko sa taong ito, bakit ko naman siya aamuin? Si Owen ba siya, hindi naman diba. I let out a mocking laugh sabay umiling, "Kahit kailan hindi kita aamuin, pero kapag hindi mo kami tinulungan sa task, isusumbong kita kay Kaith!" Sigaw ko na siyang ikinatawa niya ng malakas.

"Seriously? Ano ka bata para magsumbong?"

"Kung effective naman bakit hindi?"

"Magsumbong ka man, hindi parin ako papayag." Saad niya at tumalikod na ulit sa akin.

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon