TIM’S POV
“She opened it…”
“Huh?” nagtatakang tanong ni Jewel sa akin.
“N-nothing. Kumusta na nga pala ang bagong salta?”
“Medyo okay na Tim, hindi na ako tumalsik nang hawakan ko siya,” medyo natawa ako dahil sa sinabi niya, halos lahat ata kami dito ay tumalsik dahil sa babaeng yun.
“Pero grabe, ang sakit pa rin ng likod hanggang ngayon, bakit ikaw parang hindi nasaktan e ang lakas niya?” may pagtataka niyang tanong kaya napaiwas ako ng tingin. Sympre nasaktan din ako! Hindi lang ako nagpahalata. Medyo tinuwid ko ang aking pagkakaupo at may tumunog pang buto sa aking balakang. Rinig niyo yun, ganun kasakit!
“S-sympre, masasaktan ba ako dahil lang dun?” pagyayabang ko at naniwala naman siya.
“Sige na, tatapusin ko lang ang analysis tungkol sa newbie tapos pwede na nating i-announce ang kanyang arrival sa central hall,” paliwanag niya kaya tumango ako.
“Okay.”
Nagpaalam na siya kaya bumalik ako sa aking iniisip. Wait… ano na nga ba ang iniisip ko? Napakamot ako sa aking ulo.
Ahhh oo nga pala.
That girl… she opened the door…
I let out a sigh. What a total trouble maker. Napasandal ako sa aking upuan dahil hanggang dito ay ramdam na ramdam ko ang presensya ng nilalang sa selda na binuksan ng land controller.
That girl, she was supposed to be like any other normal mages, pero sa tingin ko ngayon, naiiba siya. I think, the result now will be different, for the first time.
I sigh with relief. It's slowly happening.
ERIN’S POV
‘DESTROYER!’
‘M-may destroyer dito!’ sigaw ko sa aking isipan nang makita ko ang malaking lalaki na puno ng malalaking kadena sa katawan nito.
‘T-this cell… is a destroyer’s cell!!!’
Agad kong naisara ang pinto dahil sa takot.
Sa lahat ba naman ng nilalang na makikita ko, destroyer pa ang bubungad sa akin? Grabe naman! Pero bakit may destroyer na nakakulong dito? Papaano siya napunta dito sa W?
Tumilhay ako sa may butas ng pintuan upang tingnan ang destroyer at napansin ko na tila ba natutulog ito.
‘Teka… hindi niya ba naramdaman na bumukas ang pinto ng selda niya?’
Should I enter?
Pero natatakot ako… Ito ba ang beast na tinutukoy nila? P-pero...
Muli akong sumilip at hindi pa rin ito gumagalaw.
Siguro naman safe pa rin kapag pumasok ako since nakatali naman siya.
Nilakasan ko ang aking loob at muling binuksan ang pinto. Madahan akong pumasok para hindi siya magising. Tiningnan ko siyang mabuti nang makalapit ako. Those silver linings na nasa damit niya, sigurado na talaga akong isa siyang destroyer.
Bakit kaya hindi siya nagigising?
Unti-unti pa akong lumapit sa kanya at dahan-dahang itinaas ang aking kamay upang tapikin siya, ngunit nang dumampi na ang aking palad sa kanyang balikat ay tila ba napunta ako sa ibang lugar.
‘WAIT!’ N-nasa ibang lugar na nga ako! N-nasan na yung destroyer? W-wait, nasan na ba ako?!
B-bakit ang daming tao dito? B-bakit ang daming building? B-bakit ang daming mga sasakyan?
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasíaA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING