RHEZ’S POV
Hanggang kailan ba kami magtatahan dito sa central hall? Kanina pa ako nabo-bored kakahintay ng official report about sa amin. Kung ako lang din ang tatanungin, hindi ako mag-aabala na maghintay dito, si Azi lang naman ang curious.
Hindi ko alam kung anong naisipan niya at pumayag siya, isa lang ang alam ko, interesado siya sa Beast Mission. Pero bakit???
Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyanteng dumadaan dito, samantalang si Azi, para bang wala lang sa kanya ang paghihintay.
Napahawak ako sa aking noo sabay pikit ng mata, nangangalay na ako huh…
TING!
Mabilis akong napatingin sa hall of information, kapag kasi may tumunog na ganun, ibig sabihin may bagong news dito sa W. Siguro tungkol na yun sa amin.
We waited for about half a minute nang may mag flash na sa malaking screen. Napatingin ako kay Azi na sobrang seryosong nakaabang dito hanggang sa mapakunot ang noo ko nang makita kong unti-unting sumama ang kanyang hitsura.
Napatingin tuloy ako sa monitor.
Announcement!... New Student!... Unknown Power!... Tapos may naka-attach na picture.
Sumama na din ang hitsura ko dahil sa aking nabasa, akala ko pa naman tungkol na sa amin, kanina pa kami dito naghihintay huh!
Sabay kaming napabuntong hininga ni Azi kaya nagkatinginan kami.
“Sa tingin mo, nasabi na kaya ni Erin na pumayag na tayo?” curious niyang tanong.
“Ikaw lang naman ang gustong sumali ah?” balik kong tanong.
“Well, you didn’t object,” sagot niya kaya napasimangot ako.
TING!
Sabay na naman kaming napatingin sa monitor nang marinig ulit namin ang tunog.
“Finally…” bulong ni Azi.
Yes…. Finally talaga!
“Let’s go back, kanina pa ako pagod, kung saan-saan mo ako dinadala,” saad ko habang magkasalubong ang aking kilay.
She just smirk at me, “Well, you didn’t say you didn’t want to go,” ganti niyang sagot. Kahit kailan talaga... Shhh----
Umiling na lang ako at naunang maglakad sa kanya hanggang sa marinig ko ang bulong-bulungan sa paligid.
“Totoo ba ang nabasa ko? Sumali sa grupo ng Land Controller sina Rhez at Azi?!”
“Oo nga! Nabasa ko din!”
“B-bakit naman sila sumali?”
“Oh my gosh! Ibig sabihin uulitin nila ang Beast Mission?”
“Aware ba sila sa bagay na yun?”
“Paano si Aiden? Diba kasama din siya sa grupo? Bakit sumali din si Rhez?”
Medyo bumagal ang paglalakad ko nang marinig ko ang pangalan ni Aiden. Naikiyum ko ang aking kamao dahil sa lalaking yun.
“Hurry hurry… I want to sleep, remember may midnight assembly tayo mamaya,” saad ni Azi at nilampasan na niya ako kaya binilisan ko na ulit ang aking paglalakad.
Wait.... may nakalagay bang assembly?… She has a quick eyes, hindi ko yun nabasa sa monitor.
OWEN’S POV
Thirty minutes before midnight.
“Bilis! Bilis!” excited na excited si Sam habang pinapaypay kami ni Erin.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasiA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING