Chapter 15: I'll do it

282 5 0
                                    

Agad naming dinala si Van sa clinic. Masyado akong kinabahan dahil sa reaksyon ni Kaith nang makita ang sunog sa dibdib niya.

Ininda ni Van ang sakit kanina habang yakap niya si Yuki. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko. Sana maging maayos siya.

"Kasalanan ko 'to. Hindi na dapat ako nagpumilit na mangialam." Saad ko sa aking sarili habang naghihintay kami sa labas.

Narinig ni Sam ang sinabi ko kaya nilapitan niya ako sabay kapit sa aking balikat. "Ano ka ba, hindi mo yun kasalanan, ang totoo nga, ang astig ng team natim kanina."

"Oo nga Erin, at saka sabi naman ni Kaith na magiging okay din si Van."

"Mayroon kaya silang healer dito o kaya naman mga potions na pang gamot?" tanong ni Owen kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya, halatang natataranta siya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa tanong niya, kasi naman, dahil sa kakapanuod niya ng mga fantasy movies ay naisip niya ang ganung bagay.

Wala naman kasing nabanggit si Kaith tungkol sa healer. Pero paano nila gagamutin si Van? Hindi naman normal na sugat ang natamo niya. Napakapit nalang ako sa aking buhok habang nag-iisip.

"Erin." Mabilis akong tumayo nang lumabas si Kaith mula sa clinic.

"Mayron kayong bagong task,” seryoso niyang saad kaya nagkatinginan kami ng kasamahan ko sa isa’t-isa.

"Ha? Paano si Van? Hindi namin siya pwedeng iwan,” sagot ko.

"Ang task niyo ay madala dito ang healer." Nagkatinginan na naman kaming apat. Kung ganun, mayroon ngang healer?!

"Hindi namin kayang gamutin si Van gamit ang technology, hindi rin ito kaya ng doctor lang dito."

"Bakit pa namin kailangang dalhin dito ang healer? Nasan ba siya?" -Evan

"Oo nga, bakit hindi niyo nalang siya ipatawag?" -Sam

"Hindi namin kaya."

"Huh? Bakit?" kunot-noo kong tanong. Papaanong hindi kaya? Naguguluhan ako.

"Dahil katulad din siya ni Aiden. Wala siyang sinusunod dito sa W. Kailangan ninyo siyang kumbinsihin na pumunta dito at… kailangan niyong bilisan na mapapayag siya." Jusko naman! Bakit ang titigas ng ulo nila at ayaw sumunod sa patakaran dito?! Nakakainis!

"Kung ganun, saan namin siya makikita?" seryosong tanong ni Evan.

Nakatitig kaming lahat kay Kaith pero bago pa man siya makasagot ay may nagsalita sa likuran namin kaya sabay-sabay din kaming napalingon.

"Dadalhin ko kayo sa kanya." Si Aiden. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Good. Kailangan niyo ng umalis. Make sure na papayag ang healer, ito lang ang paraan para magamot si Stevan." Nagmamadaling saad ni Kaith pagkatapos ay humarap siya kay Owen, "Wag ka ng sumama sa kanila, masyadong delikado."

"Pero..." Agad kong pinutol ang sasabihin ni Owen dahil nang marinig ko ang salitang delikado ay kinabahan agad ako. "Don't worry babalik agad kami," I assured him kaya wala na siyang nagawa.

"Sumunod kayo sa akin," tawag ni Aiden kaya hindi na kami napatumpik-tumpik pa. Agad kaming sumunod sa kanya nang yayain na niya kami.

Habang naglalakad kami palabas ng clinic ay nagtanong ako, "Kilala mo ba ang healer Aiden? Close ba kayo? Sa tingin mo, papayag siya na tulungan tayo?"

Bigla siyang napatigil sa paglalakad at tumingin sa akin, “Hindi ko alam, kung papayag siya.” I furrowed my brow at dali-daling sumunod nang magpatuloy siya sa paglalakad.

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon