Simula nang makapasok ako dito sa W ay ngayon lang talaga ako hindi mapakali na para bang may gusto akong gawin at palagi kong hinihintay matapos ang oras.
Nakaka-frustrate ang ganito.
"Ba't kanina ka pa kibot ng kibot dyan? Para kang bulate na hindi mapakali?" Tanong ni Sam habang nagbabasa. Binigyan kasi kami ng libro about sa Destroyer na maaaring makatulong kapag nakalaban na namin sila. Kaharap ko lang si Sam at nasa kaliwa naman namin yung dalawa na seryosong-seryoso sa pagbabasa.
Totoo namang interesting ang tungkol sa mga destroyer pero hindi talaga ako makapag-focus eh. Umiling nalang ako kay Sam at itinuon ang aking atensyon sa libro. Nagbuntong hininga ako at naramdaman ko nalang na sinipa ako niya ako sa ilalim ng lamesa.
Inirapan ko siya at tumingin, "Ang sakit nun ha," tumawa siya ng tahimik sabay buklat sa kasunod na pahina. "Ano na? Bakit 'di ka nga mapakali?"
"Iniisip ko lang yung taong apoy. Gusto ko siyang makita." Di ko alam kung bakit.
"Bakit naman? Baka mamaya niyan sunugin ka nun sa sobrang curious mo sa kanya."
"Hindi ko ma-explain eh. Hindi talaga ako mapakali hangga't hindi ko siya nakikita."
"Hay naku mamaya at hanapin natin ang lokong yun para naman mapanatag na yang kalooban mo."
"Guys, tumahimik nga kayo dyan." Pag-aawat sa amin ni Evan at nakita ko na hindi siya makapag-focus sa ingay naming dalawa. Sorry naman.
Ilang minuto ding katahimikan ang lumipas nang tawagin kami ni Van."Tingnan ninyo 'to, page 345." Saad niya at ipinakita sa amin. Grabeng bilis naman niyang magbasa, nasa page 15 palang nga ako, samantalang siya ay malapit na matapos.
"Ang bilis mo naman, bat nandyan kana agad?" Takang tanong ni Sam sa katabi niya.
"Eh hindi ko naman binabasa, tinitingnan ko lang yung mga pictures." Pagkasabi na pagkasabi nun ay nakatanggap siya ng malakas na palo sa ulo galing kay Sam. "Aray! Ba't mo ako pinalo!?"
"Ano ka bata para tingnan lang yung mga pictures? Pinagbabasa tayo gageh."
"Nakakabored naman kasi magbasa. Tapos ang dami pang unknown words na hindi ko maintindihan, mabuti nalang nga at cool yung mga pictures kung hindi ay di ko na ito babasahin."
Tsked. Para talagang bata.
Aangal pa sana si Sam ang kaso ay nakuha ni Evan ang atensyon namin. Nakatitig siya sa page 345 na sinabi ni Van kanina kaya napabuklat na din kami sa kanya-kanya naming libro. Ano bang meron sa page na yun. Agad kong nilaktawan ang napakakapal na pahina.
Destroyer's Cursed.
Mayroon siyang drawing na destroyer na ang suot ay purong puti, at may hawak itong isang lalaki na sa tingin ko ay may special ability din pero nakasuot naman ito ng purong itim. Hawak-hawak ng destroyer ang lalaki sa buhok at nakatutok ang kanyang espada na para bang puputulan niya ng leeg ang lalaki.
Hindi ko mapigilang hindi magalit dahil sa larawan na ito. Nakasuot pa talaga sila ng puti na para bang nagmamalinis samantalang kaming tinutugis nila ay nakaitim. Agad kong binasa ang nakasaad sa page 345 dahil medyo maikli lang ito.
•••°*°•••
Laganap ang mga may
kapangyarihan sa mundo na tinatawag ngayong Destroyer. Ang pinuno ng mga destroyer ay hindi kontento sa iisang kapangyarihan lamang kaya naman gumawa siya ng paraan upang makamit niya ang inaasam na pagiging immortal, kapalit man nito ay pagkitil sa maraming tao na may mga kapangyarihan. Hindi nagtagal ay mayroong kumalaban sa Pinuno upang matigil na ang pagiging ganid at sakim niya. Siya ay napuksa ng isang samahan na Tinawag na Bellumnian. Isang grupo na nangakong poprotektahan ang kanilang lahi laban sa mga destroyer. Ngunit sa kanilang paglisan sa nasabing mundo ay naiwan ang anak ng masamang Pinuno na siyang nag-utos na pupuksain niyang lahat ang mga natitira pang may mga kapangyarihan sa lahat ng mundo. Ito ay ang tinatawag na Destroyer's cursed na hanggang ngayon ay patuloy parin na nangyayari. Hindi sila titigil hangga't hindi nila nauubos ang lahi ng may mga kapangyarihan, saang mundo man sila magpunta.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasyA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING