Chapter 23: The Moonlight

55 4 0
                                    

RHEZ’S POV

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lubos na pagkalungkot ngayon… Dahil ba nabanggit ni Azi ang taong yun? I can’t help but to let out a deep sigh. Naglalakad kami ngayon na walang destinasyon sa isipan.

Kaith did set us up this way.

It’s been a long time that I’m here in W, and now I’m getting sentimental as I feel the cold breeze coming from the forest… as if the trees are sending their hug to me.

“Do you have a place in mind?” tanong sa akin ni Azi.

“Huh?”

“You’re staring at the forest, kanina pa tayo lakad ng lakad at yung lima nakabuntot lang sa atin…” napatingin tuloy ako sa aming likuran. They are so queit. Dahil ba sa amin Azi???

At bakit parang natahimik din itong si Erin? Sa pagkakatanda ko, madaldal din siya katulad ng babaeng ‘to… napatingin ako sa katabi niya na grey ang buhok.

“Follow us…” maikli kong saad.




Erin’s POV

“Kanina ka pa tahimik…” naramdaman ko ang presence ni Owen sa tabi ko, ngayon ko lang din na realize na hindi ko na pala katabi si Sam dahil nakikipagbulungan na siya kay Van.

Honestly, I’m concerned. Gusto ko sanang mag-request kay Rhez na tuluyan na niyang gamutin si Aiden, pero wala ako sa posisyon para gawin yun. She hated him, enough to let him suffer to be fully healed.

Isa pa, hindi pinapahalata ni Aiden na nanghihina pa rin siya, he’s walking normally right now, but deep inside, I know he is hurt.

Bahagya lang akong ngumiti kay Owen para hindi na siya mag-alala, “It’s just… felt so unreal…” bigla tuloy siyang natawa.

“Unreal? Come on… we’re in a magical world… unknown university where the great mages resides, what is unreal?”
Napangiti na lang ako. He already adapted to this place… that’s good.

“I mean… being with them,” tinuro ko yung dalawang babae sa unahan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta naglalakad kami sa gitna ng forest ngayon at sinusundan lang namin si Rhez. She knows the forest well, that why I’m not bothered right now.

“AHHH… Oo nga naman, nakaka-overwhelmed na makasama sila diba? Kung baga, they are like the veterans here,” he said.

He’s right. It’s overwhelming that we’re walking the same path with them, at midnight of all time, with the moonlight glowing silently towards us.

Ang ibang mga estudyante nga tuwang-tuwa na makita si Rhez, she’s like their idol. The one they respect. The one who owns this forest…

“Hmm…tama ka, hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag sila,” tugon ko.

Lumipas pa ang ilang minuto nang tumigil si Rhez, siguro dahil narating na namin ang madilim na parte ng kagubatan, matataas at malalaki na ang puno sa unahan kaya hindi na makalampas ang liwanag ng buwan sa daanan.

“Call your friends,” saad ni Azi.
Napatingin ako kay Sam at mukhang na-curious din siya.

“Sinong friends?” bulong naman sa akin ni Owen. I just shrugged my shoulders to him since wala din akong idea hanggang sa itinaas ni Rhez ang kanan niyang kamay. Biglang sumimoy ang malakas na hangin at tumunog ang mga saya ng mga puno sa paligid, I know it should be creepy especially we’re in the middle of the forest, but it’s different.

Hindi siya nakakatakot, hanggang sa lumiwanag ang buong paligid at kanya-kanya kaming namangha sa aming nakita.

“FIREFLIES!” sigaw ni Sam sabay palakpak habang paikot-ikot siya ng tingin sa buong paligid.

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon