Chapter 40: The Choice

20 2 0
                                    

Azi’s POV

“Bakit nandito ka pa rin?” tanong ko nang makarating ako sa bungad ng forest. Kanina pa kasi siya nakatayo dito na para bang may hinihintay, pinagtitinginan na nga siya ng mga estudyante. He just look at me with those white eyes. Tila ba alam ko na ang sasabihin niya.

“You saw it too…” saad niya.
Iniwasan ko ang mga titig niya dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sa totoo lang ayaw kong pag-usapan ang nakita ko.

“Azi,” tawag niya kaya muli akong napatingin, “It’s in your nature, you just have to accept it.”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi na dapat ako nag-expect na mag-alala siya. Ngumiti na lang ako na may pait sa aking mukha.

“Hmm. As always, you’re being yourself again, Ace. Umalis ka na kung wala ka nang iba pang kailangan dito, masasaktan lang si Rhez kapag nakita ka na naman.”

“And as always, you’re getting soft again, Azi,” ganting sagot niya, “Our nature is like this…we cannot change it no matter what.”

“Kung ganun, hahayaan mo na lang ulit ang lahat?”

“I’m just here as a mere observer.”

“That’s--bull*hit Ace.”

Napatawa siya dahil sa pagmumura ko.

“I just want to say…just accept it. Then everything will be all right here.
Everything… will be in your hands, Azi.”

He keeps on telling me to accept what I wanted to stop happening. Ano nang gagawin ko ngayon?





Owen’s POV

Pinatawag ni Chan lahat ng mga estudyante na magtipon-tipon dito sa hall of information. Ngayon ko lang nakita ang kabuoang bilang ng mga estudyante nang sama-sama. Kaya kaya ng numero namin ang talunin ang isang hukbo ng mga Destoryers?

Papaano kung maraming malagas sa amin kahit na may mga kapangyarihan kami? Anong gagawin namin?

Simula nang sabihin ni Evan ang kanyang vision… hindi na ako mapakali, papaano kung—

Agad akong umiling upang putulin ang masamang iniisip ko. Alam kong kaya naming baguhin ang mga mangyayari…dapat, mabago namin.

Nakuha ang aking atension nang biglang umingay ang paligid at nakita ko sa malaking screen na naka-flash na ang announcement.

“Totoo ba yan? Nandito na ang mga Destroyers?!”

“Diba monthly training na natin in two days? Baka naman bagong tema lang yan?”

“Bakit naman nila i-aannounce na totoong nandito na ang mga Destroyer?”

“Ibig sabihin, totoong-totoo na nandito na talaga ang mga monsters na yun?!”

“Kung ganun, totoong labanan ang magaganap sa monthly training natin?”

“Kung nandito na talaga sila, dapat maging handa tayo.”

“Oo nga! Ang tagal nating nag-training para dito!”

“Tama! Dapat hindi tayo matakot dahil tayo ang may mga kapangyarihan!”

Mabuti na lang at may mga malalakas pa rin ang loob at hindi natatakot. Makakatulong ito para hindi panghinaan ng loo bang mga estudyante.

“Si TIM! Tingnan niyo!” turo ng isang estudyante.

Sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon ni TIM. Nandito siya.

“Naku po… totoo yata talagang mapapasabak na tayo sa matinding labanan!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon